Rey PJ Abellana hindi pa rin pinapansin ni Carla, umaasang magkaayos pa sila ni Tom | Bandera

Rey PJ Abellana hindi pa rin pinapansin ni Carla, umaasang magkaayos pa sila ni Tom

Therese Arceo |July 23,2022
facebook
share this

Rey PJ Abellana hindi pa rin pinapansin ni Carla, umaasang magkaayos pa sila ni Tom

Therese Arceo - July 23, 2022 - 12:26 PM

Rey PJ Abellana hindi pa rin pinapansin ni Carla, umaasang magkaayos pa sila ni Tom

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin pala pinapansin ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang kanyang ama na si Rey PJ Abellana matapos ang nangyaring kontrobersya sa pagitan nila ng dating asawa na si Tom Rodriguez.

Ito ay inamin ng aktor nang makapanayam siya ng talent manager na si Ogie Diaz sa naganap na mediacon ng pelikulang kanyang pagbibidahan na ipinalabas sa YouTube channel na “Ogie Diaz Showbiz Update”.

“Hangang ngayon hindi pa rin nag-o-open up kasi ang ang anak ko sa akin kaya hindi pa rin ako klarong kasagutan sa mga tanong diyan,” pag-amin ni Rey.

Ngunit sa kabila nito ay umaasa pa rin siya na sana ay magkaayos sina Carla at Tom kahit na maraming isyu ang naibato ng mga ito sa isa’t isa.

“Bilang ama, from the very start to the present, gusto kong magkaayos sana sila dahil umabot sa point na nagpakasal na ‘yung dalawa. Iba na ‘yung level na ‘yun na agad-agad masisira lang. May vows ‘yan eh,” saad ni Rey.

Kahit pa mismong kay Tom na nanggaling ang balitang divorced na sila ni Carla, umaasa pa rin siya na sana magkabalikan ang dalawa.

Ani Rey, itinuturing na rin kasi niyang sariling anak si Tom kaya naman bilang magulang ay nais niyang maging “intact” pa rin ang pagsasama nila hanggang sa huli pero alam niyang ang may hawak lamang ng desisyon na ito ay ang dating mag-asawa.

Muli namang inungkat ni Ogie ang pagiging babaero ni Rey noong kabataan nito na siyang normal lang naman daw at lahat daw ay dumadaan sa ganoong proseso.

Matatandaang isa sa mga isyung lumabas sa pagitan nila Tom at Carla ay ang pagkakaroon ito ng ibang babae nang ikasal sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

“Naiintindihan ko ‘yan kasi nadaanan ko ‘yan, automatic na naiitindihan ko ‘yan. Supposedly, ang pambabae, as much as possible, ay nilalagay din sa lugar. In some instances, may mga bagay na nagiging kritikal ‘yan minsan na nakakasira, nakakasakit ng ibang tao at nakakasira ng tao mismo. May mga namamatay nga dahil diyan,” sey ni Rey.

Iginiit naman nito na may mga sinumpaang pangako ang dating mag-asawa na dapat ay panatilihin at sundin.

“May promises na ‘yan. May vows ‘yan eh, dapat i-prioritize niya yun,” sabi ni Rey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cristy Fermin dinepensahan si Rey PJ Abellana sa bashers: Susmaryosep! Nagpakatotoo na nga ‘yung tao

Tom Rodriguez hindi raw bakla sabi ni Rey Abellana: Hindi ko pinaniniwalaan ‘yan!

Carla naimbiyerna kay Rey PJ Abellana nang dahil sa ‘one-night stand’ chika kay Tom: She was questioning me why…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending