Tom Rodriguez hindi raw bakla sabi ni Rey Abellana: Hindi ko pinaniniwalaan ‘yan! Bandera

Tom Rodriguez hindi raw bakla sabi ni Rey Abellana: Hindi ko pinaniniwalaan ‘yan!

Reggee Bonoan |March 11,2022
share this

Tom Rodriguez hindi raw bakla sabi ni Rey Abellana: Hindi ko pinaniniwalaan ‘yan!

Reggee Bonoan March 11, 2022 - 09:36 PM
Rey Abellana sa tanong kung bakla ba si Tom Rodriguez: Hindi ko pinaniniwalaan ‘yan

Rey Abellana, Carla Abellana, at Tom Rodriguez

“HONESTLY speaking, hindi po natin mako-consider na third party ang sitwasyon kasi ang pangyayari ay one-night stand, eh. So hindi po natin kino-consider ‘yun na third party,” kaswal na sagot ng aktor na si Rey ‘PJ’ Abellana sa tanong ng radio host at batikang manunulat na si Nanay Cristy Fermin sa programa nitong “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 News FM.

Si PJ ay ama ni Carla Abellana na guest kaninang hapon sa radio program nina ‘nay Cristy at Romel Chika at diretsong tinanong kung may infidelity ang nangyari sa parte ni Tom.

Ito kasi ang tsika bukod sa nawalang ipon nina Carla at Tom ay may umanong isyung nangaliwa ang aktor.

Nagkausap na pala ni PJ ang manugang niya at nagkuwento kung bakit hindi sila okay ng asawang si Carla.

Kaya muling tanong ni ‘nay Cristy kay PJ, ‘inaamin mo na nagkaroon ng one-night stand si Tom with another girl?’

Natawa si Rey, “ha, ha, haha Inamin ko na ‘yan bilang ako lalaki ako. Ako, wayback nangyari po ‘yan sa akin medyo normal po ‘yan sa buhay ng mga lalaki kaya naiintindihan ko po ‘yan (nangyari kay Tom). Ang nangyari po sa tukso ay hindi po mortal sin para sa akin. Bilang isang totoong tao natural lang po ang mga nangyayari sa ganyang bagay. May kasabihan nga po na ang tao mabibilanggo depende sa bigat ng kanyang krimen. Kung mababaw na krimen ay hindi po kinukulong ‘yan.”

Sa unang tanong ni ‘nay Cristy bago niya pinakawalan si PJ para sa promo ng pelikulang “Mamasapano: The Movie”.

“Anak, tatay ka ni Carla Abellana, hindi kami papayag na aalis ka na hindi mo kami bibigyan ng balita tungkol sa anak mo,” simula nito.

“Okay ‘nay,” kaswal namang sagot ng aktor.

“Rey nu’ng una mong malaman pagkatapos ng magarbong kasal, naghiwalay sina Tom at Carla anong naramdaman mo?”

“Siyempre bilang ako’y partikular na isang magulang siyempre talagang malaking gulat sa akin ‘yun. At agad na minessage ko ang anak ko, si Carla at pilit kong alamin kaagad.

“Sabi ko, ‘ito nakarating na sa akin may lumabas na issues na tungkol sa ganito, ganu’n tungkol sa inyong mag-asawa. Gusto kong alamin kung ano ba ito? Isyu lang ba ito ng showbiz o may katotohanan o wala?

“Honestly, ‘nay ito sasabihin ko, sumpa man sa Diyos totoo ‘to. Nu’n una kong minessage ‘yung anak ko ay hindi po agad nag-reply sa akin.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

 

“So, doon palang sa sitwasayon na ‘yun na hindi kaagad nakapag-reply ‘yung anak ko sa akin, si Carla, e, pumasok na kaagad sa isipan ko na ‘uy may laman ‘tong isyu na ito tungkol sa kanila’

“After few days’ nag reply na po si Carla sa akin at ang sabi niya sa akin ay…ganito lang po pagkasabi ng anak ko sa akin, ‘Tom and I now are not okay. Anyway, papa we would like people to respect, i-settle muna namin ito ng personal na bagay by ourselves and pakiusap papa na as much as possible, ‘wag na muna tayong magsalita sa press dahil baka mag-iba-iba pa ang isyu, magsanga-sanga. So, nakiusap po ‘yung anak ko na hold-on muna, stay put and let us be the one to settle it personally considering na personal problem din nga nila ‘yun mag-asawa,” pagtatapat ng aktor kay ‘nay Cristy habang nakikinig si Romel Chika.

Inamin din ni PJ na maraming reporters ang tumatawag sa kanya at nagtatanong kung ano baa ng sitwasyon ngayon nina Tom at Carla.

“So, now up to this point, hindi pa rin malinaw sa akin ang mga bagay-bagay na nagyari sa kanila dahil po hindi ko pa rin nakakausap si Carla,”paliwanag ng tatay ng aktres.

Kaya ipinagdiinan ni Rey na hindi pa hiwalay sina Carla at Tom, “ang point ko dito po, ang sinasabi ko lang po anuman ang problema nilang mag-asawa ay sine-settle po muna nila na sila lang para po maayos ito.”

At dito na rin inamin ni Rey na nakausap na niya ang manugang niyang si Tom dahil tinawagan siya mismo para magkausap sila ng personal at pinuntahan siya sa bahay nila.

“Nagkuwento at hindi ko po masabi na hiwalay na sila dahil po ang narinig ko palang side ay ‘yung kay Tom at ‘yung side ng anak ko, e, honestly hindi ko pa nakakausap,” umiiling na paliwanag ng aktor.

Baka lang daw ayaw mag-open ni Carla sa ama dahil nga lalaki ito at iba ang point of view so baka raw sa mommy niya ito mag-open.

Sa pag-uusap din nina Rey at Tom ay hindi napag-usapan ang perang nawala na ginamit ng huli sa partylist na sinalihan niya para kumandidato sa May 9 election pero hindi ito nakapasa sa COMELEC.

Isa pang diretsong tanong ng manunulat ay tungkol sa isyung miyembro si Tom ng LGBTQ plus community na isa ring dahilan kaya may gusot ang mag-asawa.

“Bakla ba si Tom?” tanong ni nay Cristy sa ama ni Carla.

“I don’t think so, I don’t think so. Hindi ko po nakikita ‘yan! Hindi ko pinaniniwalaan ‘yan opinyon kong personal ‘yan,” diin ni Rey.

 

Related Chika:
Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending