Carla naimbiyerna kay PJ Abellana nang dahil sa 'one-night stand' chika kay Tom: She was questioning me why... | Bandera

Carla naimbiyerna kay PJ Abellana nang dahil sa ‘one-night stand’ chika kay Tom: She was questioning me why…

Ervin Santiago |March 16,2022
facebook
share this

Carla naimbiyerna kay PJ Abellana nang dahil sa ‘one-night stand’ chika kay Tom: She was questioning me why…

Ervin Santiago - March 16, 2022 - 07:55 AM

PJ Abellana, Carla Abellana at Tom Rodriguez

PJ Abellana, Carla Abellana at Tom Rodriguez

BIGLANG kumambiyo ang beteranong aktor na si Rey PJ Abellana tungkol sa umano’y pakikipag-one-night stand ni Tom Rodriguez.

Nabanggit kasi ni PJ sa panayam sa kanya ni Nanay Cristy Fermin kamakailan na isa raw ito sa naging mitsa ng paghihiwalay ng anak niyang si Carla Abellana at Tom.

Naging hot topic ito sa social media kaya mas lalong nadiin ang aktor sa breakup nila ni Carla. Malinaw daw na siya ang nagloko at nambabae kaya tama lang daw na iwan na siya ng Kapamilya actress.

Nito lamang Oct. 23, 2021 ikinasal ang Kapuso couple ngunit makalipas lang ng tatlong buwan ay kumalat na nga ang balitang naghiwalay na sila.

Sa panayam ng “24 Oras” kagabi, nilinaw ni PJ ang mga una niyang  nasabi tungkol sa ilang rason ng marital problem nina Carla at Tom at kabilang na riyan ang tungkol sa one-night stand.

“At first, may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom.

“Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari yun. So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom’s side naman,” paliwanag ng veteran actor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Paglilinaw pa ni PJ, hindi lang niya ito naipaliwanag nang mabuti kay Nanay Cristy, “So, yun po yung scenario ng issue na one-night stand. Napa-shortcut lang po, napa-abrupt lang po pagkasabi ko kay Nanay Cristy na, you know, na napag-isipan ng masama.”

Sa nasabing interview, siya mismo ang nagkuwento tungkol sa pakikipag-one-night stand daw ng manugang, “Nay, honestly speaking, hindi po natin maku-consider na third party, e, ang sitwasyon.

“Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, e. So, hindi natin kinu-consider yun na third party. Inaamin ko na lang, bilang ako lalaki ako, ako, way back, nangyayari din po ‘yan sa akin. E, medyo normal na ‘yan sa buhay ng mga lalaki,” aniya pa.

“Kaya naintindihan ko po ‘yan. E, nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin. Para sa akin, you know, bilang isang tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa mga ganyang bagay, natural sa buhay ‘yan, e, di po ba?” katwiran pa ni PJ.

Samantala, inamin naman niya na tinawagan siya ni Carla nang magpa-interview siya kay Nanay Cristy at nagalit daw sa kanya ang anak.

“She was mad, she was questioning me why I came up that way. Of course, I explained it to her right away, and after my explanation, explaining my side, hindi na naman siya nag-message na uli,” paliwanag ni PJ.

Dagdag pa niya, talaga raw gustung-gusto na ni Tom na magkabalikan sila ni Carla, “When he came over to talk to me and explain his side, he would cry along his explanations and everything, and he keeps on saying na he wants his wife back.

“He wants Carla back because she loves Carla very much that’s why they settled down,” sey pa ni PJ.

https://bandera.inquirer.net/293941/carla-sa-nalalapit-na-kasal-nila-ni-tom-may-mga-times-na-nakakatakot-pero
https://bandera.inquirer.net/295092/carla-nabili-ang-dream-wedding-gown-sa-us-nawala-lahat-ng-stress-at-iniyak-ko-sulit-talaga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/296118/carla-abellana-tom-rodriguez-ikinasal-na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending