Cristy Fermin dinepensahan si Rey Abellana sa bashers: Susmaryosep! Nagpakatotoo na nga 'yung tao | Bandera

Cristy Fermin dinepensahan si Rey Abellana sa bashers: Susmaryosep! Nagpakatotoo na nga ‘yung tao

Therese Arceo |March 15,2022
facebook
share this

Cristy Fermin dinepensahan si Rey Abellana sa bashers: Susmaryosep! Nagpakatotoo na nga ‘yung tao

Therese Arceo - March 15, 2022 - 06:31 PM

Cristy Fermin dinepensahan si Rey Abellana sa bashers: Susmaryosep! Nagpakatotoo na nga 'yung tao
IPINAGTANGGOL ng kolumnistang si Cristy Fermin ang aktor na si Rey “PJ” Abellana laban sa mga bashers nito sa social media.

Nag-trending kasi ang veteran actor matapos ang kanyang naging interview patungkol sa tunay na kalagayan ng relasyon ng kanyang anak na si Carla Abellana at asawa nitong si Tom Rodriguez.

Sa kanyang naging interview kay ‘Nay Cristy para i-promote ang kanyang pelikula ay nahingan na rin ito ng pahayag hinggil sa sitwasyon ng kanyang anak na si Carla.

Dito ay nabanggit ni Rey na nagkaroon ng ka-one night stand ang manugang na si Tom. Inamin rin nito na nag-reach out sa kanyang ang manugang ukol sa nangyari ngunit hindi pa raw niya nalalaman ang side ng anak dahil ang tanging nasabi lang sa kanya ay hindi sila okay mag-asawa.

Marami naman sa mga netizens ang nag-react at nagalit kay Rey dahil base raw sa panayam nito kay ‘Nay Cristy ay tila kinakampihan pa niya manugang kesa sa sariling anak.

Sinabi kasi ni Rey na alam niyang mali ang ginawang pakikipag-one night stand ng manugang pero aware siya na nangyayari talaga ang mga gano’ng bagay sa mga lalaki.

“Napakalinaw po, napakalinaw po mga kapatid ng sinabi ni Rey Abellana. Sa kanya ay hindi tama ‘yon, pero nangyayari talaga sa isang lalaki,” saad ni ‘Nay Cristy.

Sabi pa ng kanyang co-host na si Romel Chika, “Real talk lang naman ang sinabi ng Rey PJ Abellana sa sinabi niya. Ang opinyon niya ay opinyon ng isang tunay na lalaki na pinagdadaanan ang ganoong sitwasyon at posibleng, lahat ng relasyon, napagdaanan ‘yon. Real talk lang po tayo. ‘Wag ho tayong magmalinis sabi nga ‘di ba?”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Official Account. (@reynaldo_abellana)

 

Dagdag pa ni ‘Nay Cristy, “Yes, totoo ‘yan. Nagpakatotoo lamang po ‘yung tao at inamin naman niya (Rey) na si Tom pa lamang po ang kanyang nakakausap at nanggigigil siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin po sila nagkakausap ni Carla tungkol sa hiwalayan. E, siguro naman po ay dapat e, pasalamat pa nga natin si Rey PJ Abellana na nagbigay ng kahit kaunti lamang po na impormasyon tungkol sa hiwalayan.”

Hirit pa niya, “Yung mga ganitong tao na nagpapakatotoo, ‘yug nagbibigay po sa atin ng impormasyon na ang tagal tagal na nating hinihintay, huwag na po nating bina-bash. Susmaryosep, nagpakatotoo na nga ‘yung tao, di ba?

“At saka hanggang sa huli sinabi niya, ‘Hindi ko po directly sinasabing hiwalay na talaga sila dahil ako po ay umaasa na sana isang araw ay maiayos rin nila ang kanilang problema’. Nandon ‘yung hope n’ya na talagang isang araw, magkaayos ‘yung mag-asawa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala namang magulang ang matutuwa sa sitwasyon na kinakaharap ni Carla kaya kahit na ganon ay nagpapasalamat si ‘Nay Cristy dahil kahit papaano ay nagbigay linaw si Rey ukol sa matagal nang isyu ng dalawa.

Related Chika:
Tom Rodriguez hindi raw bakla sabi ni Rey Abellana: Hindi ko pinaniniwalaan ‘yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending