Rey Valera, Rico Puno nagsuntukan noon sa TV show ni Willie Revillame
Walang duda na isa sa mga pinakapaborito ng mga seasoned performers na maka-collaborate on stage or even sa recoding ay si Morisette. Kabilang na diyan ang OPM Hitmaker na si Nonoy Zuniga.
“E, ‘yun talaga. Magaling naman talaga kasi siya. Gift talaga ni God sa kanya ‘yun,” papuri ni Nonoy.
Nakausap namin si Nonoy sa media launch ng forthcoming concert niya with the Man with Many Faces and Voices na si Willie Nepomuceno titled “Music And Laughter” at The Theater At Solaire on July 27.
Kontrolado raw kasi ni Morisette ang kanyang whistle voice, “Yung iba sandali lang ‘yung whistle. Siya pwede siyang gumawa ng buong kanta using that voice. Sana she remains humble.”
This Sunday ipalalabas ang tribute na ibinigay ng ASAP sa kanya na ginanap sa Hawaii. Sinamantala na rin niya ang chance na makapag-rest for a while with his family sa Las Vegas, USA.
Three to four times siyang bumabalik ng Pilipinas para asikasuhin ang kanyang veggie restaurant and skin clinic sa Cebu.
“Meron din sa Manila. So, most of the time, mga three to four times a month nasa Cebu ako. Hindi ako derma, aesthetician. We only do pampa-ganda,” paliwanag niya.
Hindi na raw siya masyadong nami-miss ng mga anak niya sa US dahil ang bunso niya ay 20 years old na and the rest ay may kani-kanya nang pamilya. Pero sa concert nila ni Willie baka raw pumunta ng Pinas ang bunso niyang anak.
Inalok din pala si Nonoy na maging hurado sa Tawag Ng Tanghalan but he begged off dahil nasa US kasi siya that time. If ever daw na alukin ulit siya na maging hurado sa TNT, he will readily say yes lalo pa’t nandoon ang dalawa sa mga kagrupo niya dati sa Hitmakers concert tour na sina Rey Valera at Rico Puno.
Nagkaroon daw sila ng misunderstanding noon sa grupo pero balewala na raw ‘yun, “Actually, unang nagkaisyu diyan si Hajji (Alejandro). Umalis for a while. Tapos nu’ng bumalik si Hajji si Rey naman ang nagkaisyu with Rico. Pero hindi na namin inilabas ‘yun. Time ng Win Na Win ba ‘yun noon? Doon nagkasuntukan, e. Inawat ko si Rey, si Rico naman hawak-hawak ni Marco Sison. Pero tingnan mo ngayon, friends na sila,” lahad ni Nonoy.
Marami pang music and laughter na kwento si Nonoy with regards sa kanyang kapwa OPM Hitmakers. Pero sa concert nila ni Willie may duet sila at kakantahin ni Nonoy ang kanta ni Ed Sheeran at ipapamalas din ang talent niya sa paggigitara.
For tickets para sa “Music And Laughter” (mula sa Grand Leisure) mag-inquire sa Ticketworld or call 891-9999.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.