Sharon may pinasayang fan, sey ni Kiko: ‘Lagi kasi niyang tinutugtog ang mga kanta ng Megastar tuwing Sunday’ | Bandera

Sharon may pinasayang fan, sey ni Kiko: ‘Lagi kasi niyang tinutugtog ang mga kanta ng Megastar tuwing Sunday’

Pauline del Rosario |December 12,2022
facebook
share this

Sharon may pinasayang fan, sey ni Kiko: ‘Lagi kasi niyang tinutugtog ang mga kanta ng Megastar tuwing Sunday’

Pauline del Rosario - December 12, 2022 - 02:09 PM

Sharon may pinasayang fan, sey ni Kiko: ‘Lagi kasi niyang tinutugtog ang mga kanta ng Megastar tuwing Sunday’

PHOTO: Instagram/@kiko.pangilinan

GOOD vibes sa social media ang Megastar Sharon Cuneta matapos niyang sorpresahin sa isang mall sa Makati City ang isa niyang fan.

Kasama pa nga ng veteran singer ang kanyang mister na si dating senador Kiko Pangilinan na siyang nag-post ng video sa Instagram.

Mapapanood sa video na kumanta pa si Sharon ng kanyang hit song na “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” habang tumutugtog ng piano ang fan.

Sa IG post ay ipinakilala pa nga ni Kiko kung sino ang fan at naikuwento na madalas nitong tugtugin ang mga kanta ng Megastar.

Caption ni Kiko, “Sinamahan namin ang sweetheart ko para isorpresa si Tito Bong — a regular pianist sa Rockwell Power Plant Mall (happy face emoji).”

“Lagi kasi n’ya tinutugtog ang mga kanta ni Sharon tuwing Sunday,” saad pa sa post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiko Pangilinan (@kiko.pangilinan)

Naikuwento pa ng dating senador na dati nang nag-viral si Tito Bong matapos magkaroon ng fundraising upang makabili ng kanyang mga gamot.

Kaya naman daw ay tuwang-tuwa silang mag-asawa nang makita sa personal ang fan ni Sharon.

“During the pandemic, Tito Bong went viral for playing the piano for almost [two] hours to raise money for his medicines,” pahayag ni Kiko.

Patuloy pa niya, “At the time, seniors like Tito Bong weren’t allowed to go outside.

So we sent him a little help for him to get by.”

Maraming netizens naman ang humanga sa kabaitan ng mag-asawa, lalong-lalo na ni Sharon at napa-comment pa sa post ni Kiko.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“This is so sweet (smiling face with heart eyes)”

“oh this touched my heart! (red heart emojis)”

“Wow nakapag free concert si mega (red heart emojis)”

“Awwwwwww such a sweet gesture (purple heart emojis)”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang mag-asawa matapos i-post ang isang sweet photos nilang dalawa at umamin na nagkaroon sila ng “lover’s quarrel” na umabot ng anim na buwan.

Caption pa nga ng batikang singer sa nasabing post, “Reunited after a 6-month long L.Q. which we thought would lead to a separation (praying hands and hearts emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Related chika:

Sharon Cuneta ‘pinagsabihan’ si Mavy Legaspi, Carmina Villarroel tawang-tawa

Promise ni Sharon kay Juday: Pinakamamahal na kapatid at kaibigan habangbuhay at hanggang kabilang buhay

Sharon gustung-gusto nang magretiro sa showbiz pero may pumipigil: ‘Wanna rest na so bad but too many obligations pa’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending