Hugot ni Rey Valera: Naawa ako sa Pilipinas, naramdaman ko lalo yung paghihirap natin | Bandera

Hugot ni Rey Valera: Naawa ako sa Pilipinas, naramdaman ko lalo yung paghihirap natin

Ervin Santiago - December 06, 2020 - 09:44 AM

NAGING emosyonal ang OPM hitmaker at songwriter na si Rey Valera pagkatapos kumanta ng isang “Tawag Ng Tanghalan” contestant sa nakaraang  episode ng “It’s Showtime”.

Kinanta kasi ng quarterfinalist na si Wincel Mae Portugal-Maglanque ang isa sa mga classic song niya na “Malayo Pa Ang Umaga” na talaga namang tumagos sa puso ng madlang pipol.

Ayon sa nasabing contestant pagkatapos niyang mag-perform, naniniwala siya na isa lamang pagsubok ang lahat ng nararanasan mga Filipino ngayon at darating din ang panahon na magiging maayos din ang lahat.

“Noon naranasan natin itong pandemya lalo na nung bumagyo, nagkasunod-sunod, maraming mga kababayan natin ang nawalan na ng pag-asa.

“Pero ang Lord po pala talaga pinapadaan lang ang pagsubok pero meron po pa lang pag-asang ibibigay sa atin. Everything happens for a reason,” sabi ni Wincel na isang OFW na nawalan ng trabaho sa Macau bilang singer dulot pa rin ng COVID-19 pandemic.

Nang hingan siya ng mensahe, inamin ni Rey Valera na muntik na siyang maiyak habang pinakikinggan ang pag-awit ng contestant.

“Maiiyak na ako kanina. Naawa ako sa Pilipinas. Parang naramdaman ko yung paghihirap natin lalo.

“Kapag tayo nag-a-abroad, makikita natin sala-salabat yung mga bubong. Kapag pumunta ka ng ibang bansa, ayos na ayos.

“Tapos maaawa ka sa Pilipinas. Tapos makikita mo nangyayari sa ating lahat. Tapos itong ABS-CBN nagkaganito pa. In my own way, gusto kong suportahan sa abot ng aking makakaya,” pahayag pa ng OPM legend.

Reaksyon naman ng “Showtime” host na si Vice Ganda sa kabila ng lahat ng hamon ng buhay na hinaharap ng Pilipinas at ng madlang pipol, “We will still continue to be positive and hope for the best.

“We will pray. We will work very hard, hand-in-hand together. Tayo lahat magtutulungan, walang maiiwan at please, walang maglalamangan,” sabi pa ng TV host-comedian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending