Mega marunong tumanaw ng utang na loob, pinuri ni Rey Valera: ‘Nu’ng dumating si Sharon nagkaroon ng mukha ang mga composer’
KUNG noong bata pa ang music legend na si Rey Valera ay walang pumapansin sa kanya dahil hindi siya kaguwapuhan bukod pa sa estado ng kanilang pamilya ay iba na ngayon.
Lahat kasi ng isinulat niyang kanta para sa ibang kilalang mang-aawit at para na rin sa sarili ay sumikat lahat at naging theme songs pa ng mga kumitang pelikula at teleserye ng ABS-CBN at Star Cinema.
Yes, sa Kapamilya network lang puwedeng gamitin at patugtugin ang mga awitin ni Ginoong Rey sa mga programa nila dahil nagkaroon ng pag-uusap ang Warner Chappell Music Philippines at para sa worldwide publishing agreement with ABS-CBN Music, under ABS-CBN Film Productions, Inc. (AFPI) nitong Enero, 2023.
Ayon sa Music head ng ABS-CBN na si Roxy Liquigan, “This partnership with Warner Chappell Music is a great opportunity for Filipino music and our brilliant songwriters to reach greater heights as ABS-CBN strives to champion Filipino artistry on the global stage.”
View this post on Instagram
Going back to Mr. Valera, ngayon lang siya napapayag na isapelikula ang kanyang buhay gamit ang kanyang timeless songs na ikinuwento kung paano niya nasulat ang mga ito at sino ang nagsilbing inspirasyon niya.
Ang awiting “Kahit Maputi Na ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)” ang titulo ng pelikula na naglalarawan ng buhay ng lahat dahil lahat naman ay papunta sa pagputi ng buhok.
Sa ginanap na grand mediacon ng nasabing pelikula ay hindi naitago ni Ginoong Rey ang pagtatangi niya sa songwriter turned director na si Joven Tan dahil ang galing daw ng pagkakagawa o pagkabit-kabit ng kuwento ng bawa’t kantang isinulat niya.
Sabi nga ng nasabing legend sa musika ay malaking bahagi ang pagiging songwriter ni direk Joven kaya maganda ang resulta ng “Kahit Maputi Na ang Buhok Ko” na entry ng Saranggola Media sa 1st Summer Metro Manila Film Festival simula sa Abril 8 na magtatagal hanggang Abril 18.
Maraming kantang sumikat ang mahiyaing mang-aawit tulad ng “Malayo Pa Ang Umaga” (paborito niya), “Mr. DJ,” “Pangako Sa ‘Yo”, “Kung Tayo’y Magkakalayo”, “Maging Sino Ka Man,” “Kung Kailangan Mo Ako,” “Tayong Dalawa” at “Ako Si Superman.”
Kaya ang “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” ang ginawang titulo ng pelikula ay dahil maraming makaka-relate at mula nang kantahin ito ng Megastar na si Sharon Cuneta noong teenage years niya ay marami nang sumunod na nag-revive.
Ayon pa kay Ginoong Rey, naniniwala siyang sisikat ang kanta kahit hindi sikat na singer ang kakanta nito.
At dahil kinanta ni Sharon ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” na nagkataong sikat ang Megastar noon ay sobrang grateful and honor si Mr. Rey Valera dahil ito lang sa mga mang-aawit noon ang nagbigay ng pagkilala sa mga sumulat o composer ng kanta.
Baka Bet Mo: Wilbert Tolentino ‘nanggagalaiti’ kay Miss Planet International Maria Luisa Valera: Wala kayong modo, sobrang bastos!
Aniya, “Tulad sa Mr. DJ si Sharon Cuneta, although, hindi naman ako ‘yung kumanta nu’n, pero dahil si Sharon Cuneta kasi, sinasabi ko sa inyo na ibang klase ‘yung singer na ‘yan.
“Bata pa lang, tumatanaw na ng utang na loob. Kapag kumakanta ‘yan sa telebisyon, ang unang bukambibig niyan, bago pa lang siya ma-interview, babanggitin na niya ‘yung composer niya.
View this post on Instagram
“’Hello! Babatiin ko si Rey Valera, ‘yung composer ko.’ Ang impact kasi noong panahon namin, before Sharon, ang mga composer, hindi kilala. Pero, nu’ng dumating si Sharon, nagkaroon ng mukha ang mga composer,” aniya.
Anyway, tahimik naming pinanood ang pelikula dahil gusto naming namnamin ang bawa’t kanta na naging theme song ng aming buhay simula noong kami ay nasa high school hanggang kolehiyo at hanggang ngayon, tama ka Ginoong Rey, “malayo pa ang umaga pero hindi dapat mawalan ng pag-asa jahit maputi na ang buhok ko.”
Mapapanood na ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera” simula sa Abril 8 sa mga sinehan produced ng Saranggola Media mula sa direksyon ni Joven Tan. Magaganap ang SMMFF Parade of Stars sa April 2 (Sunday), 4 p.m. simula sa Villa Beatriz sa Commonwealth Ave. (across Diliman Doctors Hospital) patungong Q.C. Memorial Circle.
Mahusay si RK Bagatsing sa papel na Rey Valera at walang itulak kabigin ang iba pang kasama sa pelikula tulad nina Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, at Gardo Versoza.
Cristy Fermin dinepensahan si Rey Abellana sa bashers: Susmaryosep! Nagpakatotoo na nga ‘yung tao
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.