Pagtatayo ng sementeryo ng isang barangay sa San José del Monte, ipinahinto | Bandera

Pagtatayo ng sementeryo ng isang barangay sa San José del Monte, ipinahinto

Karlos Bautista - February 23, 2021 - 08:15 AM

san jose del monte bulacan

Idiniin ng lokal na pamahalaan ng San José del Monte sa Bulacan na hindi maaaring ipagpatuloy ng isang barangay ang proyekto nitong pagtatayo ng sementeryo na walang pahintulot ng city hall.

Ayon kay Atty Elmer Galicia, city legal officer, ang nasabing planong pagtatayo ng sementeryo sa Brgy. Muzon ay hindi pinayagan ng city government dahil hindi ito nakasunod sa ilang regulasyon tulad ng makitid na right of way.

Umutang ang Sangguniang Barangay ng Muzon  ng P80 milyon mula sa Development Bank of the Philippines, ayon kay Kapitan Marciano Gatchalian ng Bgy. Muzon. Sa halagang ito, P40 milyon umano ay nakalaan sa pagpapatayo ng sementeryo at ang karagdagang P40 milyong ay para sa instalasyon ng mga streetlights sa ilalim ng programang  “Rektang Konek Aksyon Agad.”

Noong Pebrero 19, nagdesisyon si Mayor Arthur Robes na ipatigil ang proyekto, bagay na binatikos ni Gatchalian.

“May programa ang city government sa pagtatayo ng pampublikong sementeryo at may pondo rin ito,” paliwanag ni Galicia.

Aniya, ang pagtatayo ng sementeryo sa Muzon ay hindi saklaw sa mga proyekto sa ilalim ng barangay kung kayat naglabas ang SJDM ng cease and desist order.

“Kung hindi pumasa sa preliminary assessment, katungkulan ng siyudad na ipatigil ang pagtatayo. Ang bawat proyekto ay dapat sumunod sa regulasyon,” wika niya.

Ayon kay Galicia, walang kapangyarihan ang Brgy. Muzon na magtayo ng sementeryo hanggant walang pahintulot ng lokal na pamahalaan.

Aniya, ang pagtatayo ng walang permiso ay paglabag sa batas at maaaring maging basehan ng pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo.

Sa usapin ng streetlights, sinabi ni Galicia na masyado ring mahaba ang 15 taon na loan payment scheme dahil ang lifespan ng solar-powered lamps ay mababa pa sa 10 taon kung kayat lugi umano ang lokal na pamahalaan sa sistemang gustong mangyari ni Gatchalian.

Nilinaw din niya na ang planong paghahati ng Bgy. Muzon ay naaayon sa Local Government Code of 1991 na nagsasabing ang isang barangay ay maaaring mabuo kung may 2,000 na populasyon. Ang Muzon ay may populasyon na 106,603 batay sa 2015 na datos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mas makakabuti aniya sa mga residente ng Muzon kung mahahati ang barangay dahil mas maraming pondo ang mailalaan sa mahahating barangay kaysa kung iisa lamang ito.

“Hindi konektado ang planong paghahati sa Muzon sa pagpapatigil sa proyektong sementeryo ni Gatchalian,” ayon kay Galicia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending