RK Bagatsing na-challenge sa pagsusuot ng wig sa pagganap bilang Rey Valera sa ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’: Grabe! Sobrang init niya sa ulo!’
PINALAKPAKAN ang akting at performance ng Kapamilya actor na si RK Bagatsing sa celebrity at press screening ng pelikulang “Kahit Maputi Na ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).”
Siya ang gumanap na Rey Valera sa pelikula mula sa direksyon ni Joven Tan produced by Saranggola Media at isa sa mga official entry sa 1st Summer Metr Manila Film Festival.
“It’s really a big honor to play Mr. Rey Valera in his biopic. He’s one of our country’s most popular singer-songwriters, with so many hit songs to his credit, so I’m very proud to play him in this movie.
”I did my very best to make sure hindi naman ako mapahiya in portraying him on the big screen,” sey ni RK sa naganap na grand mediacon ng movie last Saturday, March 25.
View this post on Instagram
Tampok sa pelikula ang mga kantang pinasikat ni Rey Valera na siyang magre-represent sa iba’t ibang kuwento ng kanyang buhay mula noong bata pa siya hanggang sa kilalanin na nga siya bilang OPM legend.
Sa mga kanta ni Rey, paborito ni RK ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” at “Tayong Dalawa”, “Ako naman po kasi, kumbaga puwedeng sabihin na old soul. Kasi mahilig talaga ako sa classics, e. Matagal na akong nakikinig ng mga ganun. Nasa playlist ko iyan.
“And ever since, growing up, pag bumibisita kami sa lola ko… or pag Sunday, di ba, naririnig mo yung mga classics? So naririnig ko iyan.
“And ngayon, simula nu’ng ginawa ko yung pelikula ni Sir Rey, meron na akong playlist talaga sa Spotify. Pag nagmamaneho ako, kahit ano. Kasi lahat naman po ng mga kinanta ni Sir Rey ay natutugma sa mga pinagdadaanan mo ano man yun. So naka-ready iyan sa playlist ko,” kuwento ng aktor.
Bilang paghahanda, talagang pinanood ni RK ang mga performance at interview ni Rey online, “Maraming materials online talaga na pinanood ko lang at isinapuso. And tulad ng sinabi ko before, pag nakikinig ka ng mga music niya, in a way parang napapasok ka na sa mindset niya.”
Inamin din ni RK na ang biggest challenge sa pagganap bilang Rey Valeta ay ang pagsusuot ng wig, “Kasi ang init talaga nu’ng suot kong wig! Saka meron kaming isang shooting day na sobrang init, ang sakit ng ulo ko the whole time na nagsu-shooting kami.
View this post on Instagram
“Sa bawat eksena, kailangang kalimutan ko yun at gawin ang mga pinapagawa sa akin. Pero other than that, sobrang nag-enjoy ako sa set. Kasi ang saya-saya ng buong production, saka si Direk Joven. And para lang akong naglalaro, sa totoo lang.
“Dahil kumbaga parang in-on ko lang ang radio at nakikinig ako ng mga musika ni Sir Rey. In-enjoy ko lang bawa’t araw na nandun ako sa set,” paliwanag ng binata.
Ilan sa mga immortral hit songs ng OPM icon ay ang “Kahit Maputi na ang Buhok Ko”, “Malayo Pa Ang Umaga”, “Mr. DJ”, “Pangako sa Yo”, “Kung Tayo’y Magkakalayo”, “Maging Sino Ka Man”, “Kung Kailangan Mo Ako”, “Tayong Dalawa”, at “Ako si Superman”.
Bukod Jay RK, kasama rin sa movie sina Christopher de Leon, Gelli de Belen, Rosanna Roces, Aljur Abrenica, Rico Barrera, Josh de Guzman, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, at Gardo Versoza.
Showing na ito sa lahat ng sinehan simula sa April 8 bilang bahagi ng 1st Summer MMFF.
Cristy Fermin dinepensahan si Rey Abellana sa bashers: Susmaryosep! Nagpakatotoo na nga ‘yung tao
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.