RK, Jane ibinandera ang pagmamahal sa isa't isa | Bandera

RK, Jane ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

Therese Arceo |July 23,2021
facebook
share this

RK, Jane ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

Therese Arceo - July 23, 2021 - 03:40 PM

ISANG series of photos ang in-upload ni RK Bagatsing sa kanyang Instagram kung saan kasama niya ang girlfriend na si Jane Oineza.

Ito ang birthday greeting ng aktor para sa dalaga na nag-celebrate ng kanyang 25th birthday nitong July 22.

“Everything I need is in this photo dump. Happy birthday @janeoineza,” caption nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RK (@bagatsingrk)

Simple lang ang post pero ramdam na ramdam kung gaano tinatangi ng aktor ang dalaga.

“I love you,” comment naman ni Jane.

Ilan rin sa mga kasama sa industriya ang bumati sa dalaga at pinuri kung gaano ka-cute ang dalawa.

“Ang tamis ni mr bagatsing!!! happy birthday @janeoineza” bati ni Kaye Abad.

“RKane lang sakalam! Happy birthday @janeoineza” bati naman ng film director na si Theodore Boborol

“Awww cute niyo!!” comment naman ni Michelle Vito.

Matatandaan na nitong Mayo 2021 nang mag-viral ang isang TikTok video ng dalawa kung saan makikita na nag-kiss ang dalawa.

Ito na rin ang naging kumpirmasyon ng dalawa na opisyal na silang magdyowa!

Sa panayam naman ng aktor sa “Magandang Buhay”, ibinahagi nito kung gaano siya kasaya sa relasyon nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yung sa ‘min, ‘yung relationship namin ni Jane, it’s light, it’s fun. Like I don’t need to force anything. It’s there, the chemistry. Relaxed,” saad nito.

“And sa ngayon, sa mga pinagdadaanan natin sa buhay, sa mga nagdaan sa pandemic, we need those kind of energy from other people. ‘Yung lightness of being, nakukuha namin ‘yun sa isa’t isa,” dagdag pa nito.

Unang nagkasama ang dalawa sa teleseryeng “Araw Gabi” noong 2018. Kalaunan, bumida naman sila sa pelikulang “Us Again” noong 2020.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending