Jane Oineza, RK Bagatsing nagpaka-wild sa Switzerland, game na game sa mga sex scenes sa 'The Swing' | Bandera

Jane Oineza, RK Bagatsing nagpaka-wild sa Switzerland, game na game sa mga sex scenes sa ‘The Swing’

Ervin Santiago |January 11,2023
facebook
share this

Jane Oineza, RK Bagatsing nagpaka-wild sa Switzerland, game na game sa mga sex scenes sa ‘The Swing’

Ervin Santiago - January 11, 2023 - 07:51 AM

Jane Oineza, RK Bagatsing nagpaka-wild sa Switzerland, game na game sa mga sex scenes sa 'The Swing'

RK Bagatsing at Jane Oineza

NAGPAKA-WILD at game na game na sumabak sa mga pasabog na sex scenes ang magdyowang sina Jane Oineza at RK Bagatsing sa bago nilang pelikula, ang “The Swing”.

Ayon sa celebrity couple, talagang tumodo sila sa nasabing sex-drama film mula sa MavX Productions na idinirek ni RC delos Reyes.

At hindi lang basta love scenes ang ginawa nina RK at Jane sa pelikula, napasubo rin sila sa mala-orgy na mga eksena kasama ang ilang foreign actors.

Iikot kasi ang kuwento ng “The Swing” sa mag-asawang gustong i-save ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng unconventional na paraan — at ito nga ay ang tinatawag na swinging o swapping (palitan) ng sexual partners.

Kinunan ang halos kabuuan ng pelikula sa Switzerland kung saan nga napalaban sina Jane at RK sa mga maiinit at nag-aapoy na eksena na ipinagawa sa kanila ni Direk RC.

Ayon kay RK, ang maganda raw sa production ay binigyan sila ng intimacy coach sa Switzerland para mas mapadali ang kanilang mga eksena kasama ang mga aktor sa naturang bansa.

NAGPAKA-WILD at game na game na sumabak sa mga pasabog na sex scenes ang magdyowang sina Jane Oineza at RK Bagatsing sa bago nilang pelikula, ang “The Swing”.
“Yung intimacy coach na yon, ang trabaho niya is to make sure na lahat kumportable.

“Walang lalampas sa mga set na limitations. So, kapag may direksiyon si Direk RC, pupunta sa intimacy coach, at ita-translate niya sa amin. Para walang gulatan.

“Hindi mo puwedeng biglain ang co-actor mo, na dahil naramdaman mo, puwede na!” paliwanang ni RK sa nakaraang presscon ng “The Swing.”

Sinang-ayunan naman ito ni Direk RC, aniya kapag hindi kumportable ang kanyang mga artista sa ilang eksena ay hindi na nila ipipilit. Malinaw daw sa buong cast kung hanggang saan lang ang puwede nilang hawakan at ipakita.

Natatawa namang chika ni Jane, may one day shoot daw siya sa Switzerland at nasa hotel lang si RK, na talagang super dasal daw  habang kinukunan ang sex scene niya kasama ang isang foreign actor.

“Lahat ng eksena ko, ginawa nila sa isang araw with Swiss actor! Nasa hotel lang si RK! Ha-hahaha!” ani Jane.

“Oo, sinadya nila na nasa hotel lang ako, kaya isang buong araw akong nagdarasal, habang may ginagawa si Jane!” ang natatawa ring chika ni RK.

Sa part naman ni Jane, hindi raw siya masyadong nahirapan sa mga eksenang kailangan niyang maghubad at makipagchurvahan.

“Wala akong nahirapan, kasi naalagaan naman ako ng buong team. Every after ng eksena, tinatanong nila ako kung okey ba ak. Binibigyan nila ako ng robe. At bago ang eksena, sinisigurado nila na okay ako,” sabi ni Jane.

RK, Jane ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

Jane Oineza nagpaliwanag kung bakit ‘smiley’ ang ipina-tattoo nila ni RK Bagatsing

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oyo Sotto umamin: Ang sama kong tao noon, nagpaka-wild ako, as in pakawala talaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending