Ex-beauty queen pinatay ni mister, tsinap-chop, dinurog sa blender

Ex-beauty queen pinatay ng asawa, tsinap-chop, dinurog sa blender

Ervin Santiago - September 16, 2024 - 12:40 AM

Ex-beauty queen pinatay ng asawa, tsinap-chop, dinurog sa blender

Babala: Sensitibong paksa

PARANG mga eksena sa suspense-thriller movie ang sinapit ng isang ex-beauty queen matapos patayin ng kanyang asawa.

Ang naturang krimen ay nangyari noong February 13, 2024 kung saan sinakal hanggang sa mamatay ang biktimang si Kristina Joksimovic, 38, isang beauty queen at model sa Switzerland.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga otoridad, pagkatapos patayin ng kanyang asawang hindi pinangalanan, ay tsinap-chop daw ang biktima, iniligay at dinurog sa blender.

Baka Bet Mo: Ex-beauty queen sawang-sawa na sa pambababae ng asawang negosyante

Patuloy ang isinasagawang murder trial sa asawa ng biktima kung saan kamakailan lamang ay ibinasura nga ng korte ang kanyang apela na pansamantalang makalaya mula sa kustodiya ng Basel-Landschaft Coercive Measures Court.

Sa ilang naglabasang balita sa local news media ng naturang bansa, inamin na raw ng suspek sa public prosecutors ang nagawang karumal-dumal na krimen.

Base sa inilabas na autopsy report, positibong sinakal nga ang biktima at saka pinagpira-piraso ang katawan sa laundry room.

Gumamit raw ang killer ng “jigsaw powerful tool, knife and garden shears.” At pagkatapos i-blender ang body parts ay saka tinunaw sa isang uri ng chemical.

Sa naganap na pagdinig sa kaso, nabanggit ng akusado napatay niya ang asawa dahil sinugod daw siya nito gamit ang kutsilyo. Ipinagtanggol lamang daw niya ang sarili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit hindi umubra ang alibi ng suspek dahil hindi ito nagtugma sa resulta ng isinagawang medical-forensic sa kanya bukod pa sa tinangka pa ng akusado na itago ang nagawang krimen.

Sa mga naglabasang report hinggil sa kaso, walang nabanggit kung ano ba talaga ang naging ugat ng pag-aaway ng mag-asawa na ikinasal noong 2017 at biniyayaan ng dalawang anak na babae.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending