Jane Oineza nagpaliwanag kung bakit 'smiley' ang ipina-tattoo nila ni RK Bagatsing | Bandera

Jane Oineza nagpaliwanag kung bakit ‘smiley’ ang ipina-tattoo nila ni RK Bagatsing

Reggee Bonoan |January 07,2022
facebook
share this

Jane Oineza nagpaliwanag kung bakit ‘smiley’ ang ipina-tattoo nila ni RK Bagatsing

Reggee Bonoan - January 07, 2022 - 06:17 PM

Jane Oineza at RK Bagatsing

SA season 3 ng “Click, Like, Share”, sina Jane Oneiza at Elmo Magalona ang bida sa episode na “Unseen” mula sa direksyon ni Andoy Ranay na mapapanood tuwing Miyerkules simula sa Jan. 12 handog ng iWantTFC at Dreamscape Entertainment.

Magkarelasyon ang karakter nina Jane at Elmo sa kuwento at mayroon silang events business at isang photographer ang dalaga.

“Basically it’s about choosing love, career or how to handle both at the same time, and it’s about sacrifices,” tsika ni Jane.

At kaya nabanggit na may sacrifices ay dahil magiging abala na si Elmo bilang boyfriend ni Jane sa kuwento kaya bihira na silang magkita kumpara noong walang work pa ang una na lagi silang magkasama sa lahat ng oras.

Kaya naman daw “Unseen” ay dahil doon nila aalamin kung ano ang mas matimbang sa kanila — ang love o career.

Sabi naman ni direk Andoy, talagang realistic ang mga kuwento ng season 3 ng “Click, Like, Share” dahil base ito sa mga nababasa natin sa social media ngayon.

“Yes, because we’re so in it already like the moment we wake up, we get our phone from our bedside table and then we check our social media.

“So, parang ilan na ba ‘yung nag-like, nag-click, nag-share sa ipinost mo kagabi, so parang our lives revolve social media these days kaya ingat-ingat din talaga,” paliwanag ng direktor.

Samantala, natanong namin ang tungkol sa “smiley” tattoo ni Jane at ng boyfriend niyang si RK Bagatsing na tila pinky swear nila sa isa’t isa.

“Yes and biglaan but we had (sabay pakita ng dalawang tuldok na parang mga mata) this is mine and then meron din siya na hindi kumpleto ‘yung smiley kung wala siya. Ha-hahaha!

“Nasa kanya ‘yung smile, so pag magkasama kami, it’s smiley face.  Wala lang, napaka-small but meaningful and I’m happy and it’s cute. Thank you for asking,” kinilig na kuwento ni Jane.

Hirit naman ng host ng virtual mediacon na si MJ Felipe, “Sana all 2022.”

Napahalakhak to the max naman si Jane, “Saka nasa pinky so…anyway…hahahaha!”

“Kaya pala iba ang ngiti, iba ang energy ni Jane ngayong 2022,” tukso uli ni MJ sa dalaga.

At mukha namang boto ang lahat mga taong nakapaligid kina Jane at RK pati na ang kani-kanilang fans dahil wala kaming nababasang nega simula nu’ng inamin nilang opisyal na silang magkarelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Elizabeth Jane Oineza ☁️ (@janeoineza)

RK, Jane ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

‘Click, Like, Share’: Body shaming, bullying at iba pang pangit na mukha ng social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending