Lalaki binaligtad ang watawat ng Pilipinas sa NAIA, inaresto
HINULI ang isang lalaki sa NAIA Terminal 2 matapos baligtarin nito ang watawat ng Pilipinas.
Nahaharap na sa mga kasong paglabag sa Republic Act 8491 at unjust vexation si Jay-ar Beril, tubong Jose Dalman, Zamboanga del Norte.
Sa ulat, alas-9 ng umaga noong araw ng Linggo nang mapansin ni APC2 Ismael Rivera ang isang lalaki na ibinababa ang watawat sa flagpole at una niya itong inakala na kawani sa airport.
Ngunit nagulat na lamang si Rivera nang muling itaas ng lalaki ang watawat na pabaligtad, ang kulay pula ay nasa itaas, na simbolo na nasa digmaan ang bansa.
Agad pinuntahan ni Rivera ang lalaki ngunit tumakbo ito hanggang sa maharang ng mga tauhan ng Aviation Security Command.
Nagwala pa si Beril at kinuwestiyon ang kapangyarihan ng airport police na arestuhin siya at hindi na niya nilinaw ang dahilan ng kanyang ginawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.