Singil ng buwis sa QC hindi magtataas | Bandera

Singil ng buwis sa QC hindi magtataas

- October 19, 2021 - 02:37 PM

Mayor Joy Belmonte habang nagtatalumpati sa mga residente ng Quezon City.

Quezon City Mayor Joy Belmonte. INQUIRER FILE PHOTO / NINO JESUS ORBETA

PINABULAANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang maling impormasyon na ipinakakalat ni Anakalusugan Representative Mike Defensor kaugnay ng pagtaas ng singil sa buwis sa lungsod.

Ayon kay City Attorney Orlando Casimiro, fake news at panlilinlang ang ginagawa ni Defensor.

Aniya pa,  ang tinutukoy ni Defensor na buwis ay ang pagtataas sa assessed value of properties sa Quezon City at hindi ang land tax rate.

Ikinatwiran pa ni Casimiro na ang tinutukoy ni Defensor ay ang Ordinance Number SP-2556 na ipinasa noong 2016 kung kailan si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay vie mayor pa lamang at presiding officer ng Quezon City Council.

Nagpalabas na umano ng temporary restraining order ang Supreme Court para ipatigil ang implemetasyon ng ordinansa matapos kwestyunin sa katastaasang hukuman noong 2017.

Ayon kay Casimiro, noon pang 2019, nangako na si Belmonte na hindi magtataas ng singil ang kanyang administrasyon sa real property tax.

 

Kaugnay na ulat: 

Defensor, Castelo naghain ng P17B recovery roadmap para sa Quezon City

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending