PATAY ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos bumangga ang isang bus sa isang tricycle sa Sta. Cruz, Zambales ganap na alas-10 kagabi. Sinabi ng pulisya na lumipat ng linya ang tricycle na nasa soutbound lane para iwasan ang isang nawalan ng kontrol na motorsiklo, nang bumangga sa isang Victory Liner bus na nasa […]
Laro Ngayong Sabado (November 17) (Cuneta Astrodome) 6:30 p.m. Alaska vs Meralco TULUYANG tapusin ang kanilang serye at makabalik sa Finals series ang hangad ng Alaska Aces kontra Meralco Bolts sa Game Four ng kanilang 2018 PBA Governors’ Cup best-of-five semifinals series Sabado ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Magsasalpukan ang Alaska at […]
IBINASURA ng Malolos Regional Trial Court Branch 15 ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Major General Jovito Palparan, matapos na mapatunayang guilty sa kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno noong 2006. “The court […]
NAG-bail ng P90,000 ang aktres na si Keanna Reeves kaugnay ng siyam na counts ng cyber libel na inihain laban sa kanya ng isang may-ari ng bar na kanyang binanatan sa pamamagitan ng Facebook live. Nagpalipas ng gabi si Reeves, Janet Derecho Duterte sa totoong buhay, sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Laguna. Dinampot […]
Laro Ngayong Lunes (November 12) (Smart Araneta Coliseum) 7 p.m. Magnolia vs Barangay Ginebra NAKAUNA man na manalo sa 2018 PBA Governors’ Cup semifinals, naniniwala si Magnolia Hotshots head coach Chito Victolero at top local cager Paul Lee na dehado pa rin sila sa kanilang best-of-five series kontra Barangay Ginebra Gin Kings. At makakatulong ito […]
INARESTO ang 18-anyos na nagmomotorsiklo at anim na pasahero ng tricycle matapos umanong patayin ang isang babae sa kahabaan ng isang kalsada gamit ang mga bato matapos ang away-trapiko sa Hagonoy, Bulacan, noong Linggo. Sinabi naman ng mga pulis na walang ebidensiya na ito ay isang kaso ng road rage bagamat kinasuhan ng murder ang […]
SINANDALAN ng Alaska Aces ang itinalang 44 puntos at 27 rebound ng import nitong Mike Harris para tibagin ang Columbian Dyip, 104-94, tungo sa paghablot ng ikaanim na panalo at pagkuha ng tie para sa playoff berth sa kanilang 2018 PBA Governors’ Cup game Miyerkules ng gabi sa Cuneta Astrodome. “It’s an interesting feeling, we […]
Mga Laro sa Miyerkules (Cuneta Astrodome) 4:30 p.m. Alaska vs Columbian 7 p.m. Rain or Shine vs NorthPort NAGHULOG si Baser Amer ng krusyal na 3-pointer may 13.6 segundo ang nalalabi sa laro para tulungan ang Meralco Bolts na maungusan ang NLEX Road Warriors, 108-105, at mapanatiling buhay ang tsansa sa playoff spot sa kanilang […]
DAHIL sa sobra-sobrang suplay ng kamatis, napilitan ang mga lokal na magsasaka na itapom ang tone-toneladang kamatis na nagsimulang mabulok sa bayan ng Kalayaan, Laguna. Gumawa na ang provincial agriculture office ng mga hakbang para maiwasan ang pangyayari. “They can’t be (sold anymore) as they have already started to rot. We’ll have to dispose of […]
INAALAM na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng “person of interest” sa panggagahasa at pagpatay sa 14-anyos na dalagita sa bayan ng Alaminos, Laguna. Sinabi ni Senior Inspector Gleen Cueva, Alaminos police chief, na hindi pa sila maaaring magbigay ng impormasyon, bagamat sinimulan na nila na pagtagpi-tagpiin ang “circumstancial evidence” para makilala ang suspek. Idinagdag ni […]