NAGHULOG si Paul Zamar ng isang triple may 7.9 segundo ang nalalabi sa laro para selyuhan ang panalo ng Blackwater Elite kontra Meralco Bolts, 94-91, sa kanilang 2018 PBA Governors’ Cup elimination round game Biyernes sa Smart Araneta Coliseum. Umangat ang Elite sa 5-1 kartada matapos na bumangon mula sa 10 puntos na paghahabol […]
INAMIN ng isang construction worker na dinukot niya at pinatay ang batang kapitbahay sa Davao City. Sa isang panayam sa loob ng kanyang selda ng RMN-DXDC, inamin ni Rico Jay Labao, 27, na dinukot niya at pinatay ang biktimang si Christine Angel Laquinario. Sinabi ni Chief Insp. Milgrace Driz, Southern Mindanao police spokesperson, na pinalabas […]
NAPATUNAYANG guilty ng Malolos Regional Trial Court (RTC) si dating Major General Jovito Palparan sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ng mga estudyante ng University of the Philippines (UP) na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno noong 2006. Ipinalabas ang desisyon ni Malolos RTC before Judge Alexander Tamayo. Bukod kay […]
TINAMBANGAN at napatay ng limang hindi pa nakikilalang mga salarin ang dating driver ng drug lord na si Peter Co habang patungo sa isang regional trial court sa Batangas City ngayong araw. Sinabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, spokesperson ng Calabarzon police, na ineeskortan si Elvis Areglo ng mga miyembro ng Bureau of Jail Management and […]
DINAKIP ng mga pulis ang 25-anyos na ina na ginagamit umano ang kanyang anak na babae at nakababatang kapatid na babae sa cyberpornography sa Minglanilla, Cebu. Isinailalim si Ivy, (hindi totoong pangalan), sa kostudiya ng mga operatiba ng Women and Children Protection Center-Visayas Field Unit (WCPC-VFU) matapos ang isinagawang entrapment operation noong Martes. Nailigtas naman […]
PATAY ang isang 23-anyos na lalaki matapos tumilapon sa kanyang sinasakyang motorsiklo at masagasaan ng isang trak nang bumangga sa isang tumatawid na kalabaw sa Barangay San Manuel, Naguilian, Isabela, kamakalawa ng gabi, ayon sa pulisya. Nasawi ang biktimang si Christian Paragas, 23, ng bayan ng Benito Soliven, matapos magtamo ng mga pinsala sa ulo, […]
SUGATAN ang dalawang pulis matapos ang pambobomba na umano’y isinagawa ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Iloilo, kaninang umaga. Nagtamo sina Police Chief Inspector Abner Jordan, commander ng provincial mobile group at Police Officer 2 Rosenie Lebuna matapos i-detonate ng mga rebeldeng grupo ang isang improvised explosive device sa Barangay Gumboc sa […]
NASAWI ang hostage-taker habang sugatan ang dalawa niyang biktima sa Davao City, ngayong araw, ayon sa pulisya. Dead on arrival ang suspek na si Harland Garvida, 40, sa Southern Philippines Medical Center matapos pagbabarilin ng mga pulis nang atakihin ang negosyateng si Allen de Vera at gawing hostage ang pamilya nito. Ayon kay Senior Insp. […]