SUGATAN ang dalawang pulis matapos ang pambobomba na umano’y isinagawa ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Iloilo, kaninang umaga.
Nagtamo sina Police Chief Inspector Abner Jordan, commander ng provincial mobile group at Police Officer 2 Rosenie Lebuna matapos i-detonate ng mga rebeldeng grupo ang isang improvised explosive device sa Barangay Gumboc sa Leon ganap na alas- 6:20 ng umaga, ayon sa isang opisyal ng pulis,
Sinabi ni Chief Superintendent John Bulalacao, Director ng PNP Region 8, na tinambangan ng mga NPA ang mga pulis habang nagpa-patrolya.
“We emphasize that the government is firm in upholding the law and order throughout the country,” sabi ni Bulalacao sa isang pahayag.
“All those who sow chaos and bloodshed and other terrorist acts will have to face the consequence of their actions,” dagdag pa ni Bulalacao.
Nagsasagawa pa ng clearing operation ang mga otoridad, ayon pa kay Bulalacao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.