Blackwater Elite nalusutan ang Meralco Bolts | Bandera

Blackwater Elite nalusutan ang Meralco Bolts

Melvin Sarangay , |October 05,2018
facebook
share this

Blackwater Elite nalusutan ang Meralco Bolts

Melvin Sarangay - , October 05, 2018 - 08:38 PM

 

NAGHULOG si Paul Zamar ng isang triple may 7.9 segundo ang nalalabi sa laro para selyuhan ang panalo ng Blackwater Elite kontra Meralco Bolts, 94-91, sa kanilang 2018 PBA Governors’ Cup elimination round game Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Umangat ang Elite sa 5-1 kartada matapos na bumangon mula sa 10 puntos na paghahabol sa huling pitong minuto ng laro.

Ipinasok ni Blackwater coach Bong Ramos ang mga maasahan niyang mga manlalaro sa krusyal na bahagi ng laban kung saan si Mac Belo ay naghulog ng triple bago isinara ni Zamar ang kanilang ratsada sa paghulog din ng 3-pointer para ipalasap sa Bolts ang ikaapat na diretsong pagkatalo.

Bunga ng pagkatalo, nahulog ang Meralco sa 1-4 kartada at mangangailangan na ang Bolts na ipanalo ang mga nalalabing laro para buhayin ang pag-asa na makabalik sa Finals ng season-ending conference sa ikatlong sunod na taon.

Nagtala si Henry Walker ng 24 puntos at 14 rebound para pamunuan ang Elite habang sina Belo at Zamar ay nagdagdag ng 14 at 13 puntos.

Pinangunahan ni Allen Durham ang Bolts sa ginawang 32 puntos, 21 rebound at anim na assist.

Nag-ambag naman sina Baser Amer at Ken Bono ng 14 at 10 puntos para sa Meralco.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending