Construction worker dinukot, sinakal ang 6-anyos na kapitbahay sa Davao | Bandera

Construction worker dinukot, sinakal ang 6-anyos na kapitbahay sa Davao

|September 24,2018
facebook
share this

Construction worker dinukot, sinakal ang 6-anyos na kapitbahay sa Davao

- September 24, 2018 - 11:29 AM

INAMIN ng isang construction worker na dinukot niya at pinatay ang batang kapitbahay sa Davao City.

Sa isang panayam sa loob ng kanyang selda ng RMN-DXDC, inamin ni Rico Jay Labao, 27,  na dinukot niya at pinatay ang biktimang si Christine Angel Laquinario.

Sinabi ni Chief Insp. Milgrace Driz, Southern Mindanao police spokesperson, na pinalabas ni Labao na nakita niya ang katawan ng bata sa kakahuyan sa Purok 11, Kilometer 9, barangay Matina Pangi, ilang daang metro ang layo mula sa kanilang bahay ganap na alas-9:30 ng umaga noong Linggo.

Naaagnas na ang katawan ng biktima at may mga kable ng kuryente na nakatali sa leeg at paa ng bata.

Sinabi ni Driz na huling nakitang buhay ang biktima ganap na alas-4 ng hapon noong Setyembre 17.

Ayon sa pulisya, iniimbitahan si Labao para maimbestigahan matapos ang paiba-ibang pahayag at matagpuan ang kaparehong mga piraso ng mga kable ng kuryente na natagpuan sa bata, sa kanyang bahay.

Sinabi ng suspek na lasing siya matapos makaubos ng dalawang litro ng beer kasama ang ibang kaibigan nang dalhin niya ang bata sa pinangyarihan ng krimen at doon sinakal.

Hindi umano niya ginahasa ang biktima.

Nagsasagawa na ng autopsy sa katawan ng biktima habang inihahanda ang kaso laban sa suspek. Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending