1 pang suspek itinuro ang mister sa 2016 rape-slay ng misis, anak na lalaki sa Laguna | Bandera

1 pang suspek itinuro ang mister sa 2016 rape-slay ng misis, anak na lalaki sa Laguna

- August 22, 2018 - 05:12 PM

ITINUTURING nang pangunahing suspek ang mister sa pagpatay at panggagahasa sa kanyang misis at dalawang-anyos na anak sa Laguna noong 2016, ayon sa pulisya.

Namatay si Pearl Helene at kanyang anak na lalaki na si Denzel matapos martilyuhin sa kanilang bahay sa Sta. Rosa City, Laguna.

Idinagdag ng pulisya na itinuro si Ricardo Sta. Ana ng ikalawang suspek na si Bryan Infante Avistado, bilang utak sa pagpatay, matapos namang mahuli sa GMA, Cavite noong Lunes.

Sinabi ni Avistado na inupahan siya Sta. Ana para patayin ang kanyang pamilya kapalit ng P60,000 bayad.

Ayon pa sa pulisya, sinuportahan ni Avistado ang naunang pahayag ng unang suspek na si Ramoncito Gallo, na naunang sumuko sa pulis.

Itinuro ni Gallo si Sta. Ana bilang nasa likod ng krimen.

Ipinapatay umano ni Sta. Ana ang kanyang pamilya matapos makarinig ng tsismis na may relasyon ang kanyang misis at dating boyfriend. Hindi rin umano kanya ang anak na lalaki.

Pinaghahanap na si Sta. Ana ng mga pulis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending