Trader na natalo sa suntukan inararo ang 3 motorsiklo: 1 patay, 6 pa sugatan  | Bandera

Trader na natalo sa suntukan inararo ang 3 motorsiklo: 1 patay, 6 pa sugatan 

- August 24, 2018 - 03:20 PM

PATAY ang isang 20-anyos na lalaki, samantalang sugatan naman ang anim na iba pa matapos na araruhin ng isang negosyante gamit ang kanyang kotse, ang tatlong motorsiklo sa Cauayan, Isabela alas-4:30 kaninang umaga, ayon sa pulisya.

Bago nito, nakipag-away ang suspek na si Aaron Christian Reyes, 22, sa nagmamaneho ng motorsiklo na si Jake Anthony Macadangdang.

Sinagasaan umano ni Reyes ang biktima sa kanto ng Golden Shower st. sa barangay San Fermin.

Sugatan din ang mga binatilyong sakay ni Macadangdang na sina Johnmark Sanchez, 19, at Bryan Barroga, 16.

Inararo rin ng kotse ang pangalawang motorsiklo na sakay sina Robie Sinnott, 20, at Ericka Jesura, at ang ikatlong motorsiklo na minamaneho ni Derik Villafuerte at sakay naman si Daryl Ordonez.

Dinala ang anim na biktima sa Ester Garcia Medical Hospital sa lungsod para magamot.

Hinabol ni Reyes ang mga motorsiklo matapos namang matalo sa suntukan, ayon kay  Senior Inspector Frances Littaua, Isabela police spokesperson.

Unang sinagasaan ng suspek ang motorsiklo ni Macadangdang at pagakatapos ay hinabol naman ang iba pang biktima.

Naaresto ng pulisya si Reyes,  kasama ang sakay ng kotse na si Hugiebert Moico, 28.

Nahaharap siya sa patong-patong na mga kaso, kasama na ang murder, multiple frustrated murder at damage to property.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending