Magnolia paghahandaan ang resbak ng Ginebra sa Game 2 | Bandera

Magnolia paghahandaan ang resbak ng Ginebra sa Game 2

Melvin Sarangay - , November 11, 2018 - 09:15 PM


Laro Ngayong Lunes (November 12)
(Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. Magnolia vs Barangay Ginebra

NAKAUNA man na manalo sa 2018 PBA Governors’ Cup semifinals, naniniwala si Magnolia Hotshots head coach Chito Victolero at top local cager Paul Lee na dehado pa rin sila sa kanilang best-of-five series kontra Barangay Ginebra Gin Kings.

At makakatulong ito sa Hotshots sa hangarin nitong patalsikin sa kanilang trono ang Gin Kings na namayagpag sa season-ending conference sa nakalipas na dalawang taon.

“We need to be ready,” sabi ni Lee, na umiskor ng 27 puntos sa kanilang 106-98 panalo sa Game 1 para putulin ang pitong laro na pagtatalo ng Hotshots kontra Gin Kings nitong Sabado sa Ynares Center, Antipolo City.

Hindi talaga puwedeng magkumpiyansa ng Magnolia dahil noong isang taon sinayang nila ang 3-2 bentahe sa semifinals kontra Barangay Ginebra.

“It’s zero-zero (in the standings) again as far as we’re concerned,” sabi pa ni Lee na ang koponan ay hangad ang 2-0 bentahe sa salpukan ng dalawang koponan ngayong Lunes dakong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

“Knowing coach Tim (Cone), he knows what adjustments he will be making,” sabi ni Victolero. “He is a champion coach, the winningest coach (of all time), so we need to be ready for those adjustments and hope that we can repeat our Game 1 win.”

Naging abala naman si Victolero kasama ang kanyang coaching staff sa kanilang gagawing paghahanda para sa Game 2 kung saan aabangan nito ang magiging gameplan ni Cone.

“We’re still the underdogs (despite the series-opening win),” dagdag pa ni Victolero. “They (Gin Kings) have the experience, the talent, the skills and the coach. Hopefully, our whole coaching staff can come up with a solid game plan (for the second game).”

Muli namang magkakasubukan ang mga import na sina Romeo Travis ng Magnolia at Justin Brownlee ng Ginebra na kapwa gumawa ng tig-37 puntos noong Sabado.

Samantala, nakubra ng Meralco Bolts ang 1-0 semis lead matapos talunin ang Alaska Aces, 97-92, sa Game 1 ng kanilang sariling best-of-five series Linggo ng gabi sa Ynares Center, Antipolo City.

Namuno para sa Bolts si Allen Durham na gumawa ng double-double sa itinalang 32 puntos at 14 rebound.

Nagdagdag si Chris Newsome ng 16 puntos habang si Baser Amer ay may 14 puntos para sa Meralco.

Nanguna naman para sa Aces si Mike Harris na kumana ng 37 puntos at 18 rebound.

Kumamada si Chris Banchero ng 16 puntos habang si Vic Manuel ay nag-ambag ng 14 puntos para sa Alaska.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending