Gin Kings naghatid ng face masks sa medical frontliners
NAGTULUNGAN ang Barangay Ginebra Gin Kings players at coaches sa pag-repack ng mga face masks na ihahatid nito sa 16 ospital sa buong bansa para makatulong sa laban kontra coronavirus (Covid-19) pandemic.
Ang Gin Kings, sa pangunguna ng winningest coach sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Tim Cone at star players Stanley Pringle, Mark Caguioa, Japeth Aguilar at Joe Devance, ay ginamit ang mahabang pahinga para makatulong sa panahon ng pandemic.
Ang charity work na ito ay bahagi ng San Miguel Corporation donation drive para makapagbigay ng mga personal protective equipment (PPE) sa medical frontliners.
Ang PBA ay nagkaroon lang ng isang playdate noong Marso 8 bago nagdesisyong ihinto ang 45th season makalipas ang tatlong araw bunga ng Covid-19.
Sinabi naman ni PBA commissioner Willie Marcial na maghihintay ang liga hanggang Agosto bago tuluyang ikansela ang buong 45th season o ituloy ang paglalaro ng isang kumperensiya ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.