‘Rosita’ nagpakawala ng storm surge, malalaking alon sa 4 na bayan sa Northern Samar
NAGSIMULA nang maramdaman ang epekto ng bagyong Rosita sa Northern Samar, partikular sa apat na coastal town.
Kabilang sa apektadong bayan ang Pambujan, Mapanas, Gamay at Catarman, ayon kay Rei Josiah Echano, chief ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.
Sa Pambujan, umabot ang taas ng alon mula tatlo hanggang limang metro kung saan 10 bahay ang nasira at 107 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Sa Mapanas, 77 pamilya ang apektadong ng storm surge na kung saan nasira ang 12 bahay sa Barangays 1, 2, 5, 6 and 8.
Apektado rin ang maraming resort sa katabing bayan ng Gamay sa malalaking alon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.