Alaska Aces nahablot ang ikaanim na panalo
SINANDALAN ng Alaska Aces ang itinalang 44 puntos at 27 rebound ng import nitong Mike Harris para tibagin ang Columbian Dyip, 104-94, tungo sa paghablot ng ikaanim na panalo at pagkuha ng tie para sa playoff berth sa kanilang 2018 PBA Governors’ Cup game Miyerkules ng gabi sa Cuneta Astrodome.
“It’s an interesting feeling, we won that game but I am really unhappy right now,” sabi ni Alaska coach Alex Compton na halatang nadismaya sa ipinakitang paglalaro ng Aces kahit na umangat ang kanyang koponan sa 6-2 karta at makasalo ang Blackwater Elite sa ikatlong puwestor third spot. “No disrespect to anybody, but my concern is my team.
“I think we’re a stronger team than Columbian, but we didn’t play the way we needed to play,” dagdag pa ni ompton. “We have to get better.”
Sunod na makakaharap ng Aces ang Elite ngayong darating na Linggo sa laro na magdedetermina kung makakapasok sila sa top four at makakuha ng twice-to-beat advantage sa susunod na labanan.
Kumana si Harris ng 25 puntos sa first half bago ikinalat ang iba pa niyang mga puntos sa sumunod na mga yugto kung saan nagpilit ang Dyip na magsagawa ng ratsada.
Nag-ambag si Vic Manuel ng 16 puntos habang sina JV Casio at Chris Banchero ay nagdagdag ng tig-10 puntos para sa Aces.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.