Darryl sa Pepsi movie: 2025 ilalabas dahil 40th death anniv niya

Darryl Yap sa Pepsi movie: 2025 ilalabas dahil 40th death anniversary niya

Ervin Santiago - January 12, 2025 - 09:27 AM

Darryl Yap sa Pepsi movie: 2025 ilalabas dahil 40th death anniversary niya

Pepsi Paloma, Darryl Yap at Imee Marcos

MULING bumanat si Darryl Yap laban sa mga taong kung anu-anong pinagsasasabi tungkol sa kontrobersyal niyang pelikula na “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Matapang na humirit ang direktor sa mga nagpo-post sa social media at nagbabanggit ng mga pangalan ng personalidad na nasa likod daw ng pagsasapelikula ng buhay ni Pepsi Paloma.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, pinabulaanan ni Direk Darryl ang mga sapantaha ng mga netizens na politically-motivated at may mga maimpluwensiyang tao sa “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Narito ang buong open letter ni Direk Darryl sa lahat ng mga nangnenega at naglalagay ng malisya sa kanyang pelikula kung saan pati si Sen. Imee Marcos ay nadamay na.

Baka Bet Mo: Darryl Yap sa mga epal: Ginawa ko ang Pepsi Paloma para talaga sa inyo!

“Dear Trolls,

“Sa mga nagtatanong sino ang nasa likod ko bakit ako matapang—hindi si Imee.

“Ang mga kaibigan ko, wala sa likod ko.
katabi ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ayaw nya nga gumawa ako ng pelikula dahil di ako makagawa ng series para sa kampanya nya—di sila magkaaway ng mga binabanggit nyo.

“Hindi si Jalosjos…gagawa ba ako ng pelikula na may insidente ng rape tapos ang magpoproduce may rape case.

“Hindi si Discaya…hindi ko nga kilala yan, wala naman akong pinagawa sa construction nila—hindi porket mayaman, kaibigan ko na.

“Kaya 2025 ilalabas dahil 40th Death Anniversary ni Pepsi Paloma. Hindi dahil Eleksyon.

“Hindi nyo maiintindihan kasi di naman kayo taga-Olongapo, Hindi kayo Artist na Taga-Olongapo.

“MAY LUGAR SA AMIN NA ANG TAWAG AY PEPSI. MAY SARILING HAND SIGN PARA ALAM NG JEEP NA DOON KA BABABA! GANON KAHALAGA.

“At porket abogado ko si Atty. Fortun,
may backer na? Ano’ng akala nyo sa akin? Troll na walang pera?

“AT SINO’NG NAGSABI NAGPABAYAD SIYA.

“Mali ang tanong na SINO ANG NASA LIKOD KO, BAKIT AKO MATAPANG, KUNDI ANO.

“Walang iba kundi ang buong katotohanan.

“Tapang at Sarap,

“Darryl.”

Narito naman ang ilang nabasa naming comments sa bagong post ng direktor.

“Tawang tawa ako sa hand sign! Which is true hand sign if PEPSI or Sta Rita ka papunta. only Olongapeño knows.”

“Tapang daw oh! Pero nambubura ng comment si accla. Boss, Sir, Direk maniniwala na sana kami pero yung may mga punto sa pambabatikos sayo agad mo pinatatahimik sa comment section. Samantalang yung trolls na kayang kaya mo balagbagin pinapalatulan mo. Again, the actor that mentioned in your movie teaser just want a PROFESSIONAL COURTESY having said that YOU ARE AN ARTIST pero di mo man lang najustify yung side ng kabaro mo sa side niya.

“Pepsi’s story is nothing compared sa ginawa mo pagmamanipula sa HISTORY. Ginawa mong biktima ang Marcos sa pagpapalayas sakanila. Yes, wala naman kasalanan sila BBM or Imee sa ginawa ng ama at ina nila. Pero wag din sanang palabasin na sila naging biktima noon. Ngayon, ano kridibilidad mo para husgahan ang iba tao na may madamay na inosenteng bata at asawa sa pinagagagawa mo?

“Para ka lang din si Rey Dela Cruz na handler ni Pepsi noon. Ginagatasan mo lang din yung tao kahit patay na.”

“Matapang ka diba? Wag mo idedelete to tulad ng ginawa mo sa ibang MAAYOS NA COMMENT ko. Ipakita mo may talino ka din di puro kuda.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Well nasa korte na ngayon ang labanan. Im not pro or Anti Vic. Pro o anti Darryl.  Mas okay na rin maipalabas yung film para magkaalaman na. Teaser lang inilabas nag ka gu lo na, what more yung mismong film.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending