‘Person of interest’ sa rape-slay ng dalagita sa Laguna inaalam na
INAALAM na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng “person of interest” sa panggagahasa at pagpatay sa 14-anyos na dalagita sa bayan ng Alaminos, Laguna.
Sinabi ni Senior Inspector Gleen Cueva, Alaminos police chief, na hindi pa sila maaaring magbigay ng impormasyon, bagamat sinimulan na nila na pagtagpi-tagpiin ang “circumstancial evidence” para makilala ang suspek.
Idinagdag ni Cueva na umalis ng bahay ang biktima, na isang Grade 9 na estudyante at anak ng nagtatanim ng lansones sa Barangay San Gregorio ganap na alas-5:30 ng hapon noong Sabado para bumili ng gamot para sa maysakit na kaanak.
Hindi na nakabalik ang biktima, dahilan para hanapin siya ng kanyang nanay at kuya.
Idinagdag ni Cuevas na unang natagpuan ng pamilya at mga kasamang barangay tanod ang isang piraso tsinelas ng biktima sa kalsada.
Kalaunan ay natapgpuan ang isa pang tsinelas sa layong 10 hanggang 15 metro.
“They were drawn because the grass looked like someone had paved it,” sabi ni Cuevas.
Ayon sa mga imbestigador, natagpuang wala nang pambaba ang biktima at may galos ang mukha.
Sinabi ni Cuevas na inaantay na nila ang resulta ng autopsy para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Nakarekober din ang mga pulis ng isang lighter sa pinangyarihan ng krimen na pinaniniwalaang sa suspek.
Natagpuan din ang gamot na binili ng biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.