NAG-bail ng P90,000 ang aktres na si Keanna Reeves kaugnay ng siyam na counts ng cyber libel na inihain laban sa kanya ng isang may-ari ng bar na kanyang binanatan sa pamamagitan ng Facebook live.
Nagpalipas ng gabi si Reeves, Janet Derecho Duterte sa totoong buhay, sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Laguna.
Dinampot ang aktres sa Quezon City kahapon ng tanghali.
Ipinag-utos ni Judge Maria Florencia Formes-Baculo, ng regional trial court branch 34 sa Calamba City ang paghuli kay Reeves matapos magpalabas ng warrant of arrest noong Nobyembre 7 base na rin sa reklamo na inihain ni Nancy Dimaranan noong Hulyo 14.
Sinabi ni Chief Inspector Zyrus Serrano, chief ng CIDG-Laguna, na nag-ugat ang kaso laban kay Reeves matapos ang negatibong pahayag laban kay Dimaranan, ang may-ari ng isang comedy bar sa Biñan City, Laguna kung saan naimbitahan ang aktress para magtanghal noong Hulyo.
“According to the complaint, [Reeves] was paid her talent fee and P1,500 for taxi fare,” sabi ni Serrano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.