Tone-toneladang nabubulok na kamatis itinapon sa landfill sa Laguna | Bandera

Tone-toneladang nabubulok na kamatis itinapon sa landfill sa Laguna

- October 09, 2018 - 02:20 PM

DAHIL sa sobra-sobrang suplay ng kamatis, napilitan ang mga lokal na magsasaka na itapom ang tone-toneladang kamatis na nagsimulang mabulok sa bayan ng Kalayaan, Laguna. 

Gumawa na ang provincial agriculture office ng mga hakbang para maiwasan ang pangyayari. 

“They can’t be (sold anymore) as they have already started to rot. We’ll have to dispose of them in a sanitary landfill or as animal feed,” sabi ni Laguna agriculturist Marlon Tobias. 

Idinagdag ni Tobias na humingi ng tulong ang komunidad ng 40 nagtatanim ng kamatis mula sa Barangay San Antonio matapos tumanggi ang mga mangangalakal mula sa Maynila na bilhin ang kanilang aning kamatis noong isang linggo.

“The supply doesn’t just come from Laguna. Some from Mindoro, Pangasinan, even Mindanao,” ayon pa kay Tobias. 

“We’ve been telling them (growers): ‘don’t plant the same vegetable all at the same time (to avoid an oversupply),’” paliwanag pa ni Tobias.

Sa nakaraang ani, inaalok ng mga namimili ang mga magsasaka na bilhin ang isang kahon (21 kilo) ng kamatis sa halagang P500.  Bunsod ng sobra-sobrang suplay, napilitan ang mga magsasaka na ibaba ito sa P100 kada kahon hanggang tumanggi na ang mga ito na bilhin ang mga sobra.

Gumagastos ng P200,000 kada ektarya sa pagtatanim ng kamatis. 

Tinatayang 40 hanggang 50 ektarya ng lupa ang tinataniman ng kamatis sa bayan. Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending