November 2009 | Bandera

November, 2009

Duwag ang mga Ampatuan

KUNG hindi lang nagalit ng sukdulan ang sambayanang Pilipino at ang mundo dahil sa masaker sa Maguindanao, sa akala mo ba ay iuutos ni Pangulong Gloria na dakpin at disarmahan ang mga Ampatuan? Masyadong kinupkop at inispoil ni GMA ang mga Ampatuan na nagpanalo sa kanya laban kay Fernando Poe Jr. noong 2004 election sa […]

Duguang kamay ng mga politiko

SUMUKO na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., haharap sa inquest proceedings sa General Santos City Airport at bibistahan sa multiple murder. Umusad na ang batas.  Mismong si Pangulong Arroyo ang nangako na ibibigay ang hustisya sa mga biktima, kabilang na ang mga journalists at walang kinalaman na nagkataong bumuntot sa convoy ng Mangudadatu […]

Maipagtatanggol kaya ni GMA ang mga Ampatuan?

HINDI ako nagtataka na nangyari ang masaker sa Maguindanao at sangkot ang mga Ampatuan sa kahindik-hindik na patayan. May kasabihan ang mga Kristiyano sa Mindanao na kapag binigyan mo ng daliri ang isang Muslim, hihingin niya ang buong braso mo. Ganyan ang mga Ampatuan ng Maguindanao na bagyo ang lakas kay Pangulong Gloria.

Killing field ng Kaliwa

ILAN sa mga sakay ng bus na biyaheng Publisidad ay mga Kaliwa.  Siyempre, di na kagulat-gulat kung sino ang binanatan nila.  Siyempre, iyong babae, na maliit pa. Kay dali naman nilang lumimot.  Kay dali rin lumimot ng taumbayan. Ang komunista, Kaliwa at New People’s Army ay may killing field.  Kung tatanungin ang militar, ito’y killing […]

Bitay ibalik? Naku naman

BUNSOD ng massacre sa Maguindanao, napuno na naman ang bus na biyaheng Publisidad. Kabilang na riyan ang sumisigaw na muling ibalik ang bitay, na umiral sa ilalim ng 1935 Constitution, inalis, ibinalik at muling inalis.  Sa tuwing may kahindik-hindik na pangyayari ay muling isinisigaw ang pagbabalik ng bitay. Ano ba talaga, kuya? Kung ibabalik, tiyak […]

Huwag ‘sakyan’ ang Maguindanao massacre

SA tuwing may kahindik-hindik na pangyayari, tulad ng Maguindanao massacre noong Lunes, nag-uunahan sa media ang mga politiko, lalo na ang ating mga binubuhay sa Senado na hindi naman nagtatrabaho para maibsan ang kahirapan at kamangmangan sa bansa.  Sa isang iglap ay mga dalubhasa agad sila at kung anu-anong tumataginting na mga opinyon ang lumalabas […]

Pati pulis, takbo na

TULAD ng binanggit natin sa ilang nakalipas na editorial (lalo na sa https://banderablogs.wordpress.com), ang pinakamadaling sawsawan at salihan ay ang politika.  Napakadaling maging politiko.  Konting bira at maraming pangako, puwede na. Maraming dating pulis ang tatakbo (kahit walang humahabol) sa Mayo.  Halos lahat ng puwesto ay tatakbuhan nila: pagka-pangulo, sa Senado, kinatawan sa Kamara, gobernador […]

BANDERA “One on One”: Raymond Gutierrez

“MAS funny at mas comedian ako kesa kay Richard!” ‘Yan ang walang kagatul-gatol na sagot ni Raymond Gutierrez sa tanong namin kung sino ang mas cool, mas nakakatawa at kung sino ang mas seryoso sa kanila ng kakambal niyang si Chard. Nagkaroon tayo ng chance na makakuwentuhan si Raymond kamakailan, at sinamantala na namin ang […]

CBCP sumawsaw na rin

SUMAWSAW na sa 2010 elections ang Catholic Bishops Conference of the Philippines, at tulad ng ibang sekta (na nakagawian na ang pagsawsaw sa bawat halalan), maglalabas ang mga obispo ng “guidelines” (daw) sa pagpili ng mga kandidato sa halalan. Nakababahala ang pakikialam ng mga obispo sa eleksyon. Hindi nagbabasbas ang Santo Papa ng ganitong desisyon […]

Kung ikaw si Jinkee Pacquiao?

TOTOO man o hindi, o gimik lang, marami ang kumampi kay Jinkee Pacquiao.  Oo nga naman.  Siya ang asawa.  Sa mata ng Diyos at tema ng batas, napakarami ang karapatan ni Jinkee.  Kung kakampi ni Jinkee ang Diyos at batas, mas marami siyang kakampi na kailanman ay di niya makikilala. Kung ikaw si Jinkee, ano […]

Tulong sa mahihirap, para sa tamad?

IPINASA ng Kamara sa ikatlo’t huling pagbasa ang Magna Carta of the Poor, na magbibigay ng “right to food, right to employment and livelihood, right to quality education, right to shelter and right to basic health and services and medicine” Klap! Klap! Klap! Ayon kay Deputy Speaker Raul del Mar (first district, Cebu City), layunin […]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending