Bitay ibalik? Naku naman | Bandera

Bitay ibalik? Naku naman

- November 25, 2009 - 03:24 PM

BUNSOD ng massacre sa Maguindanao, napuno na naman ang bus na biyaheng Publisidad. Kabilang na riyan ang sumisigaw na muling ibalik ang bitay, na umiral sa
ilalim ng 1935 Constitution, inalis, ibinalik at muling inalis.  Sa tuwing may kahindik-hindik na pangyayari ay muling isinisigaw ang pagbabalik ng bitay.
Ano ba talaga, kuya?
Kung ibabalik, tiyak na aalisin na naman ng susunod na lider para pagbigyan lamang ang sektor na naniniwala na hindi kailangan ang bitay para mapigilan
ang kahindik-hindik na mga krimen.  At kapag nagtagumpay ang lider na yan sa pag-aalis ng bitay, sisikat siya.  Hanggang sa maganap na naman ang
kahindik-hindik na krimen.
Talastasin natin kung sinu-sino ang humihiling na ibalik ang bitay: sila’y mga taga-Mindanao, mga biktima ng kahindik-hindik na krimen at mga nabalo’t naulila ng mga kriminal na ngayon ay nakalaya pa.
Ayaw ng simbahan sa bitay, pero umalma sila nang palayain ang pumatay sa paring si Tulio Favali.
Marahil, tama ang dating us Defense Secretary Caspar Weinberger: na ang mga batas at Konstitusyon ng Pilipinas ay “inexact.”

Lito Bautista, Executive Editor
BANDERA, 112509

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending