Mensahe ng mga ka-BANDERA para sa mga namayapa

#Undas2023: Mensahe ng mga ka-BANDERA para sa mga yumaong mahal nila sa buhay

Pauline del Rosario - November 02, 2023 - 10:37 AM

#Undas2023: Mensahe ng mga ka-BANDERA para sa mga yumaong mahal nila sa buhay

TUWING panahon ng undas, marami sa mga pamilyang Pilipino ang nagkakasama-sama upang magbigay-pugay sa mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Bukod sa isang relihiyosong okasyon, dito rin natin naipapakita ang pagmamahal, respeto at pagkilala sa kahalagahan ng mga yumaong kaanak sa buhay ng bawat Pilipino.

Kaya naman, naisipan ng BANDERA na itanong sa social media na kung may pagkakataon kang kausapin sila muli, kahit sa inyong mga panaginip, ano ang nais mong sabihin?

Baka Bet Mo: Manila North Cemetery naglabas ng guidelines ngayong ‘Undas’ 2023

Nakausap namin ang ilang mga ka-BANDERA at narito ang ilan sa mga mensahe nila:

“Message to my father and mother who passed away, please pray for me and my family, and also please guide us, because I believe you are already in heaven,” sey ni Peter del Rosario.

Saad naman ni Dez Villavicencio, “Sana lang ay lagi silang –although hindi ko lang alam kung totoo ‘yun na sila ay nasa paligid natin bilang mga angels natin sila, so sana ay gabayan din nila kami like my tatay. So kanya, miss na miss ka na namin.”

Sambit ni Antonio Bayle, “Sa mga magulang ko, ‘yun nga, gusto ko sana sa mga magulang ko – hindi kasi siya nakaranas ng ginhawa ba. Eh gusto ko sana siya magkaroon ng kaginhawaan…Ayun medyo wala na siya, alam ko kasi nakakakilala na siya ng Panginoon, kasama na siya ng Panginoon.”

“Alam ko naman na kapag ikaw ay nakakakilala sa Diyos, siguradong kasama mo ang Panginoon e,” ani pa niya.

Para naman kay Vivian Lajom, “Sa message ko sa aking asawa, sa aking mga magulang, sa lahat ng departed loved ones na namayapa na, sana patuloy pa rin kaming kalooban ng kanilang gabay, tulungan sa lahat ng mga nangyayari sa amin dito sa mga buhay pa dito sa lupa.”

“Patuloy din akong nananalangin para sa kanilang kaluluwa na magkaroon sila ng kapayapaan doon sa buhay na walang hanggan kasama ang ating Panginoon,” patuloy niya.

Bukod sa kanila may mga nagkomento rin sa naging post namin kamakailan lang.

Narito ang mga nabasa namin sa comment section:

Komento ni Jc Anne Nilla Mandato, “Para,sa aking asawa…mahirap na wala ka pero pilit kong kinakaya para sa mga anak natin. Sana lagi mo ako bigyan ng lakas para sa kanila at katatagan..miss you so much Gha [sad face, red heart emojis].”

Dagdag pa niya, “Para naman sa aking anak! Toto alam mo miss na kita lagi ko naaalala noong kasama ka pa namin tuwing uwei mo sa bahay ang iyong simpleng ngiti ang pasalubong mo sa akin at pineapple pie dahil alam mo paborito ko…wala na kayo ni papa mo. Walang oras na hindi ko kayo naaalala. Gabayan mo lang kami at ang iyong mga kapatid. Alam ko mas malakas kayo sa paggabay samin kasi nandyan si Papa God [sad face emoji].”

Lahad ni Carl Argamosa, “Sana masaya na po kayo kasama ang ating Panginoon at wala na kayong nararamdamang pagod, lungkot at sakit.”

Wika naman ni Cattleya Anne Estable, “Mama Celia I’m sorry for everything basta alam mo na ‘yun and sana masaya ka na diyan sa heaven. Wag mo na kami isipin ok lang kami…sana minsan magpakita ka naman sakin mama..I miss you so much and I love you.”

Mensahe ni Cee Jae, “4 years na pero ang sakit pa din anak [heartbroken, sad face emojis] sobrang miss na miss na kita.mahal n mahal kita palagi [heartbroken, sad face emojis].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Maynila magpapatupad ng ‘liquor ban’ simula Oct. 29 hanggang Nov. 2

Vice umaming pumurol sa pagpapatawa: Ito ‘yung effect sa akin ng ‘pagkakakulong’ ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending