SUMUKO na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., haharap sa inquest proceedings sa General Santos City Airport at bibistahan sa multiple murder.
Umusad na ang batas. Mismong si Pangulong Arroyo ang nangako na ibibigay ang hustisya sa mga biktima, kabilang na ang mga journalists at walang kinalaman na nagkataong bumuntot sa convoy ng Mangudadatu noong Lunes. “Yes, there is no condemnation in the Lord, but on the other hand, on earth there is a system of justice, and the perpetrators will not find a way to escape justice,” ani Arroyo.
Para sa mga buhay, nasa kanilang mga kamay ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima. Hindi kabilang sa mga “buhay” na ito, na tinuran ng Pangulo, ang mga politiko. Huwag sanang sakyan ng mga politiko at gamitin para mamayagpag na naman ang kanilang mga pangalan. Dahil tulad ng Kaliwa, na may killing field, meron din naman ang mga politiko. Sana’y di lahat sa kanila, tulad ng ibig papanagutin ng mga magsasaka.
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 112609
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.