Huwag 'sakyan' ang Maguindanao massacre | Bandera

Huwag ‘sakyan’ ang Maguindanao massacre

|November 24,2009
facebook
share this

Huwag ‘sakyan’ ang Maguindanao massacre

- November 24, 2009 - 05:53 PM

SA tuwing may kahindik-hindik na pangyayari, tulad ng Maguindanao massacre noong Lunes, nag-uunahan sa media ang mga politiko, lalo na ang ating mga binubuhay sa Senado na hindi naman nagtatrabaho para maibsan ang kahirapan at kamangmangan sa bansa.  Sa isang iglap ay mga dalubhasa agad sila at kung anu-anong tumataginting na mga opinyon ang lumalabas sa bunganga.  Maging matalino tayo.  Huwag tayong maniwala sa mga sumasakay sa isyu para lamang maging sikat sila.  Palaging isaisip na mas matalino tayo sa kanila dahil hindi natin ginagamit ang mga nasawi para sa ating personal na kasikatan.  Ang kailangan ng mga biktima ay hustisya–at panalangin sa kabilang buhay.

LITO BAUTISTA, Executive Editor

BANDERA, 112409

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending