Duwag ang mga Ampatuan | Bandera

Duwag ang mga Ampatuan

- November 27, 2009 - 01:56 PM

Wake for the slain Media men

KUNG hindi lang nagalit ng sukdulan ang sambayanang Pilipino at ang mundo dahil sa masaker sa Maguindanao, sa akala mo ba ay iuutos ni Pangulong Gloria na dakpin at disarmahan ang mga Ampatuan?
Masyadong kinupkop at inispoil ni GMA ang mga Ampatuan na nagpanalo sa kanya laban kay Fernando Poe Jr. noong 2004 election sa Maguindanao.
Zero si FPJ, na parang dinodiyos ng mga Muslim, sa Maguindanao. 
Pinayagan ni GMA na magtatag ng private army ang mga Ampatuan. Ang private armed group ay kinabibilangan ng mga sundalo, pulis at Cafgu.
Binigyan din ni GMA ang mga Ampatuan ng mga armas na mas sophisticated pa kesa sa Armed Forces at Philippine National Police.
At dahil Moro ang mga  Ampatuan at walang mga utak, ang akala nila ay pababayaan sila ng gobyerno kahit anong gagawin nilang kabalbalan.
Napilitan lang si GMA na i-disown ang mga Ampatuan dahil sa galit na ng taumbayan at ng mundo dahil sa masaker.
* * *
Napakahirap na lalawigan ang Maguindanao, pero napakayaman ng mga Ampatuan.
Pinapala at pinipiko ang kanilang pera, kung gagayahin natin ang salita ng Ilonggo (joke only).
Isang kaibigan ko na nakapasok na sa mansion ng mga Ampatuan sa Maguindanao ang nagsabi na merong malaking vault ang bahay ng pamilya.
Umaalingasaw daw sa baho ng perang luma ang vault kapag binuksan ito dahil punong-puno ito ng pera.
Hindi raw naniniwala sa banking system ang mga Ampatuan.
Saan nila kinukuha ang pera?
Partly daw kay GMA bilang reward o pabuya sa kanila, at sa mga ilegal na gawain gaya ng smuggling at rice cartel sa probinsiya, at porsiyento sa road and bridge building projects at pagpapatayo ng eskuwelahan.
Mayaman na mayaman ang mga Ampatuan pero ang kanilang mga kababayan ay nasa lusak ng kahirapan.
* * *
Sa Davao City, may ipinatayong mansion ang mga Ampatuan na malapit sa SM Mall.
Malaki ang lupa na kinatitirikan ng mansion, mga dalawang ektarya at enclosed by a high and closed fence.
Marami na sa kanilang mga kapitbahay ang nagsilisan sa lugar na yun dahil natatakot sila o kaya tinatakot sila ng mga bodyguards ng mga Ampatuan.
Kung saan-saan lang daw nakatayo sa labas ng gate ng mansion ang mga bodyguards at umiihi at dumudura sa kalye.
Pero di gaya ng ginagawa nila sa Maguindanao at maging sa Metro Manila, maamo na parang tupa ang mga Ampatuan sa Davao City.
Pinagsabihan kasi sila ni Mayor Rody Duterte na huwag idispley ang kanilang mga high-powered firearms sa publiko upang di matakot ang mga tao.
Marunong din daw matakot ang mga Ampatuan.
* * *
Pero di kataka-taka na marunong matakot ang mga Ampatuan dahil sila’y mga Maguindanao Muslim.
Ang Maguindanao, gaya ng Maranaw (na taga Lanao), ay hindi lumalaban ng parehas. Kapag marami sila saka lang sila lumalaban.
Ibang-iba ang Maguindanao o Maranaw sa Tausog, ang mga Moro sa Sulu, na lumalaban kahit na mag-isa lang siya. Sa Tausog, mabuti pa raw ang mapatay kesa tumakbo sa laban.
Warrior o mandirigma ang mga Tausog at ang mga Maranaw at Maguindanao ay mga negosyante.
* * *
Isinulat ko noong Huwebes na kinompronta ang inyong lingkod ni Gov. Andal Ampatuan may ilang taon na rin ang nakararaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Galing ako sa Puerto Princesa at siya naman ay galing ng General Santos City.
Gaya ng sinabi ko nagalit si Ampatuan sa mga isinulat  ko tungkol sa kanyang mga bodyguards.
Although nasa leeg ko ang aking yagbols, hindi ako nagpakita ng takot sa kanya.
Pinagalitan ako ng kanyang provincial administrator sa kanyang harapan.
Pero nakita nila siguro na wala na akong magawa kundi lalaban kapag sinaktan nila ako.
Di ako sinampal ni Ampatuan, pero nakita ko siyang aabutin sana ako at ako’y umatras.
Ang nagligtas sa akin ay aking baril na kinasa at sinukbit ko matapos kong ma-recover sa PNP desk.
Yung mga taong kanilang pinatay ay walang armas kaya’t easy target sila.
I can tell you without batting an eyelash, duwag ang mga Ampatuan.

Mon Tulfo, Target ni Tulfo
BANDERA, 112709

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending