ILAN sa mga sakay ng bus na biyaheng Publisidad ay mga Kaliwa. Siyempre, di na kagulat-gulat kung sino ang binanatan nila. Siyempre, iyong babae, na maliit pa.
Kay dali naman nilang lumimot. Kay dali rin lumimot ng taumbayan.
Ang komunista, Kaliwa at New People’s Army ay may killing field. Kung tatanungin ang militar, ito’y
killing fields pa nga, dahil hindi lamang sa Quezon kundi sa Samar ay meron din. Hanggang ngayon.
Ano ang kaibahan ng naganap sa Maguindanao at naganap sa Samal, Bataan; ilang bayan sa Quezon at Samar? Halos walang kaibahan. Pinatay din ang mga walang kalaban-laban. Kapwa nila na kanilang pinatay din at ibinaun sa lupa. Oo nga naman. Ang mga “inilibing” sa Maguindanao ay makikilala pa.
Pero, ang mga inilibing sa killing field ng NPA, Kaliwa at Komunista ay halos di na makikilala, maliban na lang sa ilan na pinagsikapang makilala sa mga hukay sa Samar.
Ibalik ba ang bitay para mapigilan ang pagdami ng killing fields
Lito Bautista, Executive Editor
BANDERA, 112509
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.