Sports Archives | Page 30 of 489 | Bandera

Sports

4 na Pinoy fighters pumasok sa SEA Games kickboxing finals

APAT mula sa limang Pilipinong atleta na sumalang noong Linggo ang pumasok sa final round ng 30th Southeast Asian Games kickboxing competition sa Cuneta Astrodome, Pasay City. Pinangunahan ni Renalyn Dacquel ang ratsada ng pambansang koponan nang manalo siya sa second round (referee-stopped-contest) laban kay Priscilla Lumban ng Indonesia sa women’s -48kg full contact class. […]

Amit naka-gold sa SEAG women’s 9-ball

BINAWIAN ni Rubilen Amit si Chezka Centeno, 7-3, sa kanilang all-Filipino finals duel sa 30th Southeast Asian Games women’s 9-ball singles competition para matumbok ang gintong medalya sa kanilang laban na ginanap Linggo ng gabi sa Manila Hotel Tent. Nakalamang agad si Centeno kay Amit sa pagsisimula ng kanilang race-to-7 racks finals, 2-0, bago naagaw […]

Pole vault record ni Uy naghatid ng gold sa Pinas

NAKUHA ni Fil-American Natalie Uy ang gold medal para sa Pilipinas sa pagtala ng bagong Southeast Asian Games record sa pole vault Linggo ng gabi sa New Clark City track and field stadium sa Capas, Tarlac. Sa harap ng hometown crowd na nadismaya sa kabiguan ni Kristina Knott na magwagi sa 100m dash, nagtala ang […]

SEA Games: Delarmino, Lampacan double gold sa muay

SUBIC FREEPORT – Giniba nina Phillip Delarmino at Ariel Lee Lampacan ang kani-kanilang mga katunggali upang ibigay sa Pilipinas ang karagdagang dalawang gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games’ muaythai competition Linggo sa Subic Bay Exhibition and Convention Center dito. Umiskor ng unanimous decision ang Iloilo-born na si Delarmino sa 57kg division, 29-28, matapos na […]

SEA Games: Cash incentive para sa binyag, diaper at future ni baby

SUBIC, ZAMBALES – KARGA ang bagong silang na sanggol at taimtim na nananalangin sa gilid habang pinanonood ang nobyo sa pabilisan ng pagsagwan, halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Irish Pepito. Ilang daang metro ang layo mula sa kinatatayuan ng kasintahan, tumatakbo sa isip ni Hermie Macaranas habang nasa laot ang munting anghel na bigay ng […]

PH Blu Girls nakamit ang ika-10 SEAG softball gold

    TULAD ng inaasahan nauwi ng Philippines Blu Girls ang gold medal at ika-10 Southeast Asian Games title sa pagwalis sa lahat ng mga nakatunggali nito sa 30th SEA Games women’s softball competition. Napagwagian ng Nationals ang ginto sa lahat ng mga laro  nito softball sa biennial meet. At nitong Linggo, ipinagpatuloy ng PH […]

Centeno nag-uwi ng gold sa women’s 10-ball

NATUMBOK ni Chezka Centeno ang kanyang unang gintong medalya sa billiards competition matapos daigin ang kakamping si Rubilen Amit, 7-3, sa kanilang all-Filipino finals match sa 30th Southeast Asian Games women’s 10-ball singles Sabado ng hapon sa Manila Hotel Tent. Agad kinuha ni Centeno ang unang dalawang rack bago nagawang magwagi si Amit sa ikatlong […]

Pinas wagi ng ikalawang gold sa fencing

NASUNGKIT ng Pilipinas ang ikalawang gintong medalya nito sa fencing matapos talunin ang Singapore, 45-38, sa finals ng women’s team epee competition Sabado ng hapon sa World Trade Center. Nagawang bumangon ng Pilipinas sa laban sa pangunguna ni Harlene Raguin bago tuluyang siniguro ni Haniel Abella ang panalo ng ginto ng bansa sa huling palitan. […]

Centeno, Amit inilatag ang all-Pinay 9-ball finals duel

MULING inilatag nina Chezka Centeno at Rubilen Amit ang isang all-Filipino finals sa billiards competition matapos manaig sa kanilang semifinals match sa 30th Southeast Asian Games women’s 9-ball singles Sabado ng hapon sa Manila Hotel Tent. Unang nakapasok si Centeno na dinomina si Jessica Tan Hui Ming ng Singapore,  7-1. Agad namang sumunod si Amit […]

Previous           Next
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending