4 na Pinoy fighters pumasok sa SEA Games kickboxing finals | Bandera

4 na Pinoy fighters pumasok sa SEA Games kickboxing finals

Bandera - December 09, 2019 - 12:08 PM

APAT mula sa limang Pilipinong atleta na sumalang noong Linggo ang pumasok sa final round ng 30th Southeast Asian Games kickboxing competition sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Pinangunahan ni Renalyn Dacquel ang ratsada ng pambansang koponan nang manalo siya sa second round (referee-stopped-contest) laban kay Priscilla Lumban ng Indonesia sa women’s -48kg full contact class.

Dinaig naman ni Gina Iniong si Lai Thi Nga ng Vietnam, 3-0, para makapasok sa gold medal match sa women’s -55kg kick light category.

Tinalo naman ni Jerry Olsim si Serial Efendi ng Indonesia, 3-0, sa men’s -69kg kick light division at binigo ni Jomar Balanguie ang Cambodian fighter na si Cham Khem sa men’s -54kg low kick category.

Tanging si Karol Maguide lamang ang Pinoy na nabigo noong Linggo nang yumuko siya kay Rumahpasal Aprilando ng Indonesia, 0-3, sa men’s 51kg full contact semifinal.

Lunes ng hapon ay sasalang naman si Jean Claude Saclag semifinals ng men’s 63.5kg low kick.

Ikinatuwa ni Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) president Senator Francis Tolentino ang pagpasok sa finals ng kanyang mga atleta.

“Iyan ang Pinoy. Lumalaban at hindi sumusuko,” aniya. “Napakaraming challenges at kahit ako kinabahan din pero ipinakita n gating mga atleta na basta Pinoy, lumalaban.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending