WBO champion Casimero binigyan ng hero’s welcome | Bandera

WBO champion Casimero binigyan ng hero’s welcome

Frederick Nasiad - December 09, 2019 - 12:10 PM

John Riel ‘Quadro Alas’ Casimero

Sa kasagsagan ng 30th Southeast Asian Games na ginaganap dito sa Pilipinas ay tahimik na dumating sa bansa mula sa matagumpay na kampanya sa Birmingham, England ang bagong World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion na si John Riel ‘Quadro Alas’ Casimero.

Agad na pumunta si Casimero para magbigay ng “courtesy call” sa Games and Amusements Board (GAB) kung saan siya binigyan ng “hero’s welcome” sa pangunguna ni nina GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, at mga commissioner na sina Mar Masanguid at Ed Trinidad.

Impresibo ang panalo ni Casimero via third round technical knockout laban kay Zolani Tete ng South Africa noong isang linggo sa Arena Birmingham sa England.

Itinigil ng referee ang laban may 2:14 pa ang nalalabi sa round at idineklarang bagong world champion si Casimero. Napahanay siya sa listahan ng mga Pinoy na nakapagwagi ng world title sa tatlong weight division: IBF World Light Flyweight, IBF World Flyweight, at WBO Bantamweight.

“Masayang-masaya kami sa GAB at madadagdagan na naman ang ating boxing heroes. Mayroon na tayong apat na boksingero na nagchampion sa tatlong magkakaibang weight classes—si Senator Pacquiao, Donnie Nietes, Nonito Donaire at ang ating bagong kampeyon na si John Riel Casimero. Talaga namang maituturing na isang positibong balita ang panalo ni John Riel para sa mga atletang Filipino na lumalahok sa Sea Games ngayon dahil ang pagkapanalo niya [Casimero] ay isang testament na kaya ng isang Pinoy na manalo sa isang professional world title match. Higit sa lahat, isa itong patunay na hindi humihina ang boksing sa Pilipinas,“ pahayag ni Mitra.

Ikinalugod naman ni Casimero ang ibinibigay na suporta at pagkalinga ng GAB sa mga Pinoy fighters, higit sa mga nagsisimula pa lamang magkaroon ng pangalan.

“Everybody thought that Tete was indestructible. Sabi pa nila maliit at maiksi si John Riel pero hindi nila alam na isang Filipino boxer pala ang tatapos at tatalo kay Tete. Kaya maraming salamat sa ating kampeyon sa pag-uwi ng regalo para sa ating bansa bago matapos ang taon,” pahayag ng dating Palawan Governor at Congressman.

Ayon kay Mitra, nakikipag-usap na ang kampo ni Casimero para sa posibleng ‘unification fight’ kay Naoya ‘Monster’ Inoue ng Japan, higit at naipahayag na rin ni WBO President Francisco ‘Paco’ Valcarcel ang pagnanais na maisagawa ang superfights sa world body.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending