Pinas wagi ng ikalawang gold sa fencing
NASUNGKIT ng Pilipinas ang ikalawang gintong medalya nito sa fencing matapos talunin ang Singapore, 45-38, sa finals ng women’s team epee competition Sabado ng hapon sa World Trade Center.
Nagawang bumangon ng Pilipinas sa laban sa pangunguna ni Harlene Raguin bago tuluyang siniguro ni Haniel Abella ang panalo ng ginto ng bansa sa huling palitan.
Maliban kina Raguin at Abella, ang iba pang gold medal winning members ng PH women’s epee team ay sina Anna Gabriela Estimada at Mickyle Rein Bustos.
Nakapasok sa finals ang Pilipinas matapos talunin ang Vietnam sa kanilang semifinals match.
Kinapos naman ang Pinas sa men’s team foil finals nang biguin ng Thailand, 45-40, para mag-uwi ng tansong medalya.
Naunang nagbigay ng gold para sa Pilipinas sa fencing si Jylyn Nicanor sa women’s individual sabre competition. Naghatid naman ng silver sina Christian Jhester Concepcion at Abella habang sina Samantha Catantan, Nathaniel Perez, Noelito Jose Jr., PH men’s sabre team at PH women’s foil team ay nagbigay ng bronze.
Read more: https://bandera.inquirer.net/235723/unang-gold-medal-ng-pilipinas-sa-fencing-nakamit-na#ixzz67P8IZI12Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.