Fil-Am trackster wagi ng ginto; SEA Games, Lydia de Vega record dalawang beses binasag
CAPAS, TARLAC – Dalawang beses na binasag ni Filipino-American sprinter Kristina Marie Knott ang Southeast Asian Games record sa 200m sprint athletics event Sabado sa Athletics Stadium ng New Clark City dito.
Itinala ng 24-year old trackster mula University of Miami ang tiyempong 23.01 segundo para dominahin ang short distance race at kubrahin ang gintong medalya.
Tinalo niya sina Chinh Le Tu ng Vietnam (23.45) at Veronica Pereira Shanti (23.77) ng Singapore.
Naunang binasag ni Knott ang 33-year old record ni Asian sprint queen Lydia de Vega sa heats.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.