outbrain

Amit naka-gold sa SEAG women’s 9-ball

By Melvin Sarangay December 08,2019
share this

Amit naka-gold sa SEAG women’s 9-ball

By Melvin Sarangay December 08,2019
share this

RUBILEN Amit

BINAWIAN ni Rubilen Amit si Chezka Centeno, 7-3, sa kanilang all-Filipino finals duel sa 30th Southeast Asian Games women’s 9-ball singles competition para matumbok ang gintong medalya sa kanilang laban na ginanap Linggo ng gabi sa Manila Hotel Tent.

Nakalamang agad si Centeno kay Amit sa pagsisimula ng kanilang race-to-7 racks finals, 2-0, bago naagaw ng huli ang ikatlong rack.

Nagawa pang umangat ni Centeno sa 3-1 bago napanalunan ni Amit ang sumunod na anim na rack para tuluyang mauwi ang gold.

Nauna nang nagharap sina Centeno at Amit sa women’s 10-ball singles finals nitong Sabado ng gabi at natumbok ng una ang ginto sa pagtala ng 7-3 panalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending