HINDI lang ang mga naninigarilyo ang maaaring magkaroon ng lung cancer, ayon sa isinulat ni Lynne Eldrige sa VeryWellHealth. Sa mga hindi naninigarilyo na nagkakaroon ng kanser, 10 hanggang 15 porsyento ay lung cancer. Mas mataas naman ang bilang ng mga may lung cancer na dati ay nanigarilyo. Sa mga non-smokers, kasama ang mga dati […]
DOBLE ang posibilidad na mas maagang mamamatay ang mga single father kumpara sa mga single mother o paired-up dads, ayon sa pag-aaral ng mga pamilya sa Canada. “Our research highlights that single fathers have higher mortality, and demonstrates the need for public health policies to help identify and support these men,” sabi ng lead author […]
MARAMI ang umiiwas sa matatamis at kanin sa takot na maging diabetes o tumaas ang lebel ng sugar sa dugo. Ang hindi masyadong napag-uusapan, papaano kung magkulang naman ang sugar sa dugo (glucose) na siyang pangunahing ginagamit na e-nerhiya ng katawan? Hypoglycemia ang tawag sa kondisyong ito, ayon sa mayoclinic.com. Sintomas Ilan sa mga sintomas […]
NATIONAL Thyroid Cancer Awareness Week ang ikaapat na linggo ng Setyembre at layon nitong ipalaganap ang kaalaman tungkol sa thyroid cancer para makaiwas at maagapan ang publiko sa nasabing karamdaman. Ang thyroid cancer ay nagsisimula sa mga cell ng thyroid, ang mala-paru-paro na gland na matatagpuan sa ating leeg. Hindi agad napapansin ang mga senyales […]
CHRONIC disease ang osteoporosis kung saan nakakaranas ng unti-unting deterioration ng tissue na siyang bumubuo sa mga buto. Kadalasan itong tinagawag na “silent disease” dahil bihira lamang o walang sintomas ang osteoporosis. Kilala rin ito bilang porous bone o pagnipis ng mga buto. Nagdudulot ang deterioration ng bone tissue sa pagrupok at bali ng buto […]
ISA sa mga importanteng bahagi ng katawan ay ang atay. Marami itong tungkuling ginagampanan gaya nang pagsala at pagtanggal ng mga toxins sa mga pagkaing kinakain ng tao, pag-metabolize ng carbohydrates, fats at proteins; pagtunaw ng mga imbak na pulang selula ng dugo, at marami pang iba. Kaya nararapat lamang na pangalagaan ito upang mapanatiling […]
MADALAS na payo sa mga broken hearted ay mag-move on na. Pero hindi palaging nakaka-move on dahil minsan talagang broken ang heart ng isang tao. Kamakailan ay namatay ang 93-anyos na si Betty Monrue matapos siyang tamaan ng broken heart syndrome o takotsubo syndrome. Ninakawan si Monrue ng tatlong lalaki na nagpakilalang mga pulis. Kinuha […]
BLOOD diseases month ang buwan ng Setyembre at maraming klase ng sakit sa dugo ang sinusuri at ginagamot ng mga hematologist. Ang ilan sa mga ito ay maituturing na benign (non-cancerous) habang ang iba ay uri ng mga blood cancer. Narito ang ilang mga karaniwang blood disorder na dapat mong malaman: Anemia – Isa itong […]
BUKOD sa dengue, ang leptospirosis ay isa ring nakamamatay na sakit na usong-uso ngayong panahon ng tag-ulan. At dahil diyan, isa ito sa binabantayan ng Department of Health para maiiwas ang paglaganap pa ng sakit. Panahon na kasi ng tag-ulan at hindi maiwasan ang paglusong sa tubig baha kung saan kadalasan nakukuha ang nasabing sakit. […]
HINDI lang dengue ang dala ng lamok. Marami pang ibang sakit na nakamamatay na ang salarin ay ang lamok. Malaria Ang sakit na ito ay itinuturing na isa sa pinakamatagal na sakit na naipapasa ng lamok sa tao. Ang malaria ay sanhi ng Plasmodium parasites na naipapasa ng babaeng lamok (Anopheles mosquitoes) sa tao. Noong […]
NAKARANAS ka na ba ng pangangasim ng sikmura o paghapdi nito? Kadalasan ay nakararamdam ang isang tao ng paghapdi ng sikmura tuwing siya ay nalilipasan ng gutom o di kaya ay dahil sa stress. Gumagawa kasi ang sikmura ng sobrang asido na nagiging dahilan para sumakit ito. Narito ang ilang paalala na dapat mong tandaan […]