Di lang dengue ang dalang sakit ng lamok | Bandera

Di lang dengue ang dalang sakit ng lamok

Leifbilly Begas - August 26, 2019 - 08:06 AM


HINDI lang dengue ang dala ng lamok. Marami pang ibang sakit na nakamamatay na ang salarin ay ang lamok.

Malaria

Ang sakit na ito ay itinuturing na isa sa pinakamatagal na sakit na naipapasa ng lamok sa tao.

Ang malaria ay sanhi ng Plasmodium parasites na naipapasa ng babaeng lamok (Anopheles mosquitoes) sa tao.

Noong 2017, tinatayang 219 milyong tao sa 87 bansa ang nagkaroon ng malaria, ayon sa World Health Organization.

West Nile Virus

Nakapagdudulot ito ng neurological disease na maaaring magresulta sa pagkamatay ng isang tao.

Ang WNV ay karaniwan sa Africa, Europe, the Middle East, North America at West Asia.

Malimit ay walang sintomas ang sakit na ito. Isa sa limang nagkakaroon lamang ang nilalagnat.

May mga insidente na ang mga nagkakaroon ng WNV ay namamaga ang utak o meningitis.

Encephalitis

May mga virus na maaaring maipasa ng lamok sa tao na nagreresulta sa pamamaga ng utak at spinal cord.

Kalimitan ang sintomas nito ay lagnat, pananakit ng ulat, pagkasilaw, stiff neck, pagsusuka, kumbulsyon, seizure, paralysis at coma.

Ang Arboviruses o virus na naisasalin sa tao mula sa kagat ng lamok o iba pang insekto ang karaniwang sanhi ng viral encephalitis gaya ng Japanese encephalitis at tick-borne encephalitis viruses.

Zika Virus

Naililipat ito sa tao sa pamamagitan ng Aedes mosquito na kumakagat (o sumisipsip ng dugo) kapag araw.

May mga kaso na walang sintomas na nakikita sa taong may Zika gaya ng lagnat, pananakit ng kalamnan at sakit ng ulo.

Kung buntis ang makakagat ng lamok na may dala nito, ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay maaaring magkaroon ng microcephaly at iba pang congenital malformations na tinatawag na congenital Zika syndrome.

Iniuugnay din ang Zika virus sa preterm birth at pagkalaglag ng bata gayundin sa mga neurologic complications gaya ng Guillain-Barré syndrome, neuropathy at myelitis.

Chikungunya Virus

Nakapagdudulot ng joint pain, muscle pain, fatigue at pananakit ng ulo.

Sumikat ang sakit na ito ng magkaroon ng outbreak noong 1952 sa Tanzania.

Ang sakit na ito ay may clinical signs na katulad ng dengue at zika.

Walang gamot sa sakit na ito at nakatuon ang gamutan sa pagtanggal ng sintomas.

Ang malimit na lamok na naglilipat nito sa tao ay Aedes aegypti at Aedes albopictus, na nakapagdadala rin ng sakit na dengue. Malimit silang mangagat kapag araw.

Yellow Fever

May bakuna para sa yellow fever. Kaya ang mga tao na pumupunta sa mga lugar kung saan mataas ang kaso ng sakit na ito ay pinapayuhan na magpabakuna muna.

Isa sa mga sintomas nito ay lagnat na kalimitang ipinagwawalang-bahala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maaapektuhan ng sakit na ito ang liver at kidney na inuugnay sa paninilaw ng balat at mata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

BANDERA Editorial Articles

Wang-wang na dengue

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending