Osteoporosis: Silent disease na dapat binabantayan
CHRONIC disease ang osteoporosis kung saan nakakaranas ng unti-unting deterioration ng tissue na siyang bumubuo sa mga buto. Kadalasan itong tinagawag na “silent disease” dahil bihira lamang o walang sintomas ang osteoporosis.
Kilala rin ito bilang porous bone o pagnipis ng mga buto.
Nagdudulot ang deterioration ng bone tissue sa pagrupok at bali ng buto partikular sa hip, spine, at wrist.
Bagamat mayorya ng mga kaso ay babae, parehong nakararanas ang babae at lalaki ng pagkawala ng buto sa edad na 65.5?.
May pagkakataon na napagkakamalan ang Osteoporosis sa osteoarthritis, ngunit magkaiba ang dalawang sakit.
Kadalasang hindi agad nada-diagnose ang sakit hanggang nagiging malala na ito at madali nang mabalian ng buto.
Kabilang sa mga sintomas ng osteoporosis ang
Bone pain
Joint pain
Loss of height
Kabilang sa mga risk factors ng osteoporosis ang mga sumusunod:
Advanced age
Being female
History ng osteoporosis sa pamilya
Thin o small frame
Maagang pagkamenopause
Low testosterone
levels sa mga kalalakihan
Amenorrhea
Anorexia or bulimia
Thyroid disease
Rheumatoid arthritis
Maladies dulot ng blocked intestinal absorption of calcium
Use of corticosteroid medications
Use of anticonvulsant drugs
Diet low in calcium
Kulang sa ehersisyo
Paninigarilyo
Malakas na pagkonsumo ng alak o caffeine
Kung nakakapansin ng sintomas ng osteoporosis, o kung marami kang risk factors, ang pinakamagandang gawin ay magpatingin sa doktor at magpa-screen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.