Single dad ka ba? Nakakaiksi ito ng buhay—study | Bandera

Single dad ka ba? Nakakaiksi ito ng buhay—study

AFP - September 23, 2019 - 08:00 AM

DOBLE ang posibilidad na mas maagang mamamatay ang mga single father kumpara sa mga single mother o paired-up dads, ayon sa pag-aaral ng mga pamilya sa Canada.

“Our research highlights that single fathers have higher mortality, and demonstrates the need for public health policies to help identify and support these men,” sabi ng lead author na si Maria Chiu, isang scientist sa University of Toronto.

Inilimbag ang pag-aaral sa The Lancet Public Health. Sakop ng pag-aaral maging ang mga mayayamang bansa, na may kahalintulad na bilang ng mga single-parent families sa Canada, ayon sa mga mananaliksik.

Sinubaybayan nina Chiu at kanyang mga kasamahan ang halos 40,500 katao sa palibot ng Canada sa loob ng 11 taon. Kabilang sa mga isinama sa pag-aaral ang 4,590 single moms at 871 single dads –na may
average na edad na early 40s, nang sinimulan ang pag-aaral.

Halos 700 ang namatay sa panahon na isinagawang pag-aaral.

Kumpara sa mga magkaparehang tatay o single mothers, tatlong beses na mas mataas ang bilang ng mga nasawing tatay.

Isama pa rito ang edad ng mga solo dad na mas matatanda na, may mga mas mataas na kaso ng cancer at mas lantad sa mga heart disease, sinabi ng mga mananaliksik na dalawang beses pa ring mas mataas ang posibilidad ng pagkamatay ng mga single father.

Ang itinuturong sanhi ay poor lifestyle at stress, ayon kay Chiu.

“We did find that single fathers tended to have unhealthier lifestyles, which could include poor diet, lack of exercise, or excessive drinking,” sabi ni Chiu.

Karamihan ng mga solo father ay mga hiwalay, divorce o biyudo, kumpara sa mga single mother, na nabuntis nang hindi inaasahan, ayon pa sa pag-aaral.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending