BUKOD sa dengue, ang leptospirosis ay isa ring nakamamatay na sakit na usong-uso ngayong panahon ng tag-ulan.
At dahil diyan, isa ito sa binabantayan ng Department of Health para maiiwas ang paglaganap pa ng sakit.
Panahon na kasi ng tag-ulan at hindi maiwasan ang paglusong sa tubig baha kung saan kadalasan nakukuha ang nasabing sakit.
Ang leptospirosis ay sakit na nagmumula sa ihi o dumi ng daga at isa itong mapanganib na sakit.
Narito ang ilang paalala para makaiwas sa leptospirosis:
1. Huwag lumusong o maligo sa baha. Iwasan din ang maruruming putikan at swimming pool. Higit na pinaiiwas ang mga taong may sugat.
2. Bago lumusong sa baha, siguraduhing nakasuot ng bota at gloves.
3. Kung hindi makakaiwas sa baha, maglinis agad ng paa at katawan. Sabuning mabuti at banlawan, at saka maglagay ng alcohol sa buong parte ng iyong katawan.
4. Panatilihing malinis ang inyong bahay para hindi bahayan ng daga at insekto.
5. Ikontrol ang daga sa bahay at kapaligiran. Gumamit ng mousetrap. Mas mainam din kung may alaga kayong pusa sa bahay.
6. Gamutin ang sugat sa paa at kamay.
7. Ingatan ang mga alagang hayop gaya ng aso, baboy at iba pa dahil posible rin silang maging carrier ng leptospirosis.
8. Kung nakakaranas na ng mga sintomas, agad magpa-konsulta sa doktor. Ang sintomas ay maaring maramdaman sa loob ng apat na araw matapos ma-infect.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.