Iba’t ibang uri ng sakit sa dugo na di dapat balewalain
BLOOD diseases month ang buwan ng Setyembre at maraming klase ng sakit sa dugo ang sinusuri at ginagamot ng mga hematologist. Ang ilan sa mga ito ay maituturing na benign (non-cancerous) habang ang iba ay uri ng mga blood cancer.
Narito ang ilang mga karaniwang blood disorder na dapat mong malaman:
Anemia – Isa itong sakit na bunga ng kakulangan ng bilang ng mga red blood cell na nagdudulot ng panghihina at pamumutla. Marami rin ang sanhi ang anemia.
Thalassemia – Isa itong hereditary blood disorder na nakakapekto sa hemoglobin, ang molecule na nagdadala ng oxygen.
Myelofibrosis (agnogenic myeloid metaplasia) – Isa itong chronic disease na kinakikitaan ng malahiblang bagay sa bone marrow, anemia at lumalaking lapay (spleen).
Myeloma – Isang kanser ng plasma cells, na isang uri ng white bloods cell.
Myelodysplasia – Sakit na kung saan ang bone marrow ay hindi gumagana nang mabuti at hindi nakagagawa ng tamang bilang ng normal blood cells.
Leukemia – Sakit na kung saan ang pagdami ng white blood cells ay hindi makontrol.
Lymphoma – Tumor na nagmumula sa lymph nodes o iba pang lymphoid tissue.
Immune Thrombocytopenic Purpura (ITP) – Isa itong clinical syndrome na kung saan ang mababang bilang ng platelet ay nagiging sanhi ng pagdurugo at pagkakaroon ng pasa.
Essential Thrombocytosis – Isa itong karamdaman na kung dumarami ang paggawa ng platelets na humahantong sa pamumutla ng dugo at pagdurugo.
Hemophilia – Isang bleeding disorder na bunga ng problema sa isa sa mga blood clotting factors.
Von Willebrand Disease – Isa itong hereditary disease na hatid ng kakulangan ng von Willebrand factor, isang factor na nakakaapekto sa platelet function, at humahantong ito sa sobrang pagdurugo.
Hemochromatosis – Isang karamdaman na kung saan ang pasyente ay tumatanggap ng karagdagang bilang ng iron. Ang sobrang iron ay namumuo sa heart, liver at pancreas na kapag hindi nagamot ay humahantong sa diabetes, heart disease at liver failure.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.